Arjo

Arjo, kinailangang isugod sa ospital pamilya Atayde, nakikipag-coordinate kay Magalong

August 18, 2021 Vinia Vivar 201 views

MagalongNaglabas kahapon ng official statement ang kampo ni Arjo Atayde bilang paglilinaw sa mga naging pahayag ni Baguio City Mayor Magalong last Tuesday.

Sa panayam ni Mayor Magalong ay kinumpirma niyang nag-positibo sa COVID-19 ang 10 artistang nagsu-shooting ng pelikula sa Baguio kabilang na nga si Arjo.

“Nag-positive ‘yung isang grupo na nagsu-shooting dito, ‘yung grupo nila Mr. Atayde. They committed to us na magkakaroon sila ng bubble, pero hindi nangyari. At nagkataon pala na may mga tao silang umuuwi sa lugar at pagbalik ay hindi natri-triage. Tapos ‘yung monthly na testing na commitment nila, hindi nila nagawa.

“So, ito ‘yung nangyari ngayon, there are 10 people du’n sa grupo nil ana out of 100 na nag-positive,” pahayag ni Mayor Magalong.

Ayon pa sa alkalde, biglang umuwi si Arjo at iniwan ang mga kasamahan sa Baguio.

Nagpahayag ang alkalde ng pangamba sa ginawa ng aktor dahil baka raw maka-infect pa ito ng ibang tao.

We learned na ang sinu-shoot na movie sa Baguio ni Arjo ay under his own outfit, ang Feelmaking Productions.

Kahapon nga ay nag-post ang produksyon sa kanilang Instagram account ng official statement hinggil sa bagay na ito.

Narito ang nilalaman ng statement:

“Arjo Atayde tested positive for COVID-19 as shooting for his new film culminated in Baguio last August 16. Arjo was suffering from high fever, headaches, and difficulty in breathing.

“It was the mutual decision of Feelmaking Productions Inc., Arjo’s parents, and doctors to rush the actor, who has a pre-existing medical condition, straight to a hospital in Manila on August 17.

“We have provided assistance for nine others who tested positive for COVID-19 but are asymptomatic and are currently in quarantine. We have likewise coordinated with the local officials for the necessary safety protocols.

“The Atayde family has reached out to Mayor Benjamin Magalong and we assure him and the people of Baguio that we will comply with our commitments to the City. We are grateful for the opportunity to shoot in their beautiful city and apologize for whatever inconvenience that this unfortunate incident may have caused.

“We request for prayers for the speedy recovery of Arjo and the nine who tested positive.”

Tungkol sa sinabi ni Mayor Magalong na iniwan ni Arjo ang kanyang mga kasamahan, ayon sa paliwanag ng nakausap naming malapit sa mga Atayde, ito ay dahil sa wala namang sintomas ang mga ito na tulad ng nararamdaman ng aktor.

In fact, habang sinusulat ito ay nakatakda na raw bumalik ng Maynila ang grupo at diretso sa kanilang hotel quarantine.

AUTHOR PROFILE