Arjo

Arjo kay Maine: Looking forward to celebrating all your birthdays with you

March 4, 2022 People's Tonight 315 views

MAG-ISA si Maine Mendoza sa frame sa post niya sa Instagram na may hawak na champagne glass bilang selebrasyon ng kanyang 27th birthday last March 3.

Maraming celebrities ang bumati kay Meng at isa na ang Olympic gold medalist na si Hidalyn Diaz.

Sa IG post naman ng boyfriend na si Arjo Atayde, magkasama sila sa picture.

Pareho ang suot na damit ni Meng sa solo post niya at sa picture na magkasama sila ni Arjo.

“Mahal na mahal kita… looking forward to celebrating all your birthdays with you! Happy, happy birthday, Baba,” caption ni Arjo sa picture nila ni Meng.

Isa sa mga bumati sa kanila ay ang ina ng aktor na si Sylvia Sanchez.

“Happy birthday @mainedcm. Stay happy and in love,” saad ni Sylvia.

Sa Eat Bulaga naman, isang simpleng selebrasyon ang ibinigay ng Dabarkads kay Maine.

BET SI AGA

SI Aga Muhlach ang sagot ni Quezon City mayoralty candidate Mike Defensor kung sino ang artistang gusto niyang gumanap kung sakaling isasalin sa movie ang life story niya.

“Hindi naman makulay ang buhay ko. Hahaha! Eh, si Aga Muhlach siguro dahil baka puwede na siya sa tangkad ko,” sagot ni Defensor.

Hindi man makulay ang buhay, makulay naman ang buhay-pulitika niya lalo na ngayong sinampahan siya ng cyber libel case ni QC Mayor Joy Belmonte.

At pagdating sa social media, nagkalat ang mga kampo ng dalawa na labasan nang labasan ng surveys kung sino ang nangunguna sa Quezon City, huh!. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE