Arjo

Arjo, grateful sa suporta ni Maine

October 9, 2021 Ian F. Fariñas 469 views

GRATEFUL si Arjo Atayde sa girlfriend na si Maine Mendoza dahil very supportive ito sa kanyang kandidatura bilang kongresista sa unang distrito ng Quezon City.

Hindi man hingin ni Arjo, laging handa at kusang tumulong si Maine sa anumang mapagdesisyon ng BF.

Bukod kay Maine, siyempre, todo rin ang suporta ng mga magulang ng Kapamilya aktor na sina Art Atayde at Sylvia Sanchez, na kasama niya nang mag-file ng COC (certificate of candidacy) sa tanggapan ng Commission on Elections National Capital Region (COMELEC NCR) sa Intramuros, Manila, nu’ng Biyernes.

Kasa-kasama rin ng mag-anak si incumbent QC Mayor Joy Belmonte na suportado rin ang pagtakbo ni Arjo.

“Mabuting bata” at “maganda ang puso.” Ganyan ilarawan ni Mayor Joy si Arjo na layong tutukan ang edukasyon, healthcare, employment, kapakanan ng frontliners at ang solusyon sa pagbaha sa West Riverside.

Payo ni Sylvia sa anak, “Kung papalarin kang manalo, magsilbi ka nang tapat at totoo.”

Babala pa ng award-winning actress, “At huwag na huwag kang manloloko at magnanakaw dahil kapag ginawa mo ’yon, ako mismo ang kakastigo sa ’yo.”

Si Sylvia raw mismo ang sasapak sa anak kapag nangurakot ito.

Anyway, nangako naman si Arjo sa huli na, “Pagsisilbihan ko nang tapat ang District 1 ng QC. Hindi ko lolokohin ang mga kababayan natin at hindi ako magnanakaw.”

AUTHOR PROFILE