
Ariba Geneva
HINDI pa rin matatawaran ang alindog ng singer na si Geneva Cruz. Sa kanyang latest post, muling pinatunayan ng aktres at singer na hindi kumukupas ang ganda at kaseksihan.
Suot ang mapanuksong swimwear, nag-selfie si Geneva sa gilid ng pool — at halos bumuyangyang ang kanyang cocomelon! Basa na ang tubig, pero mas basa ang noo ng netizens sa pawis.
Tila hindi lang tubig sa pool ang natunaw kundi pati ang fans niya! “What is this sweetness?” tanong ng isang netizen, habang ang isa naman ay napa-nostalgia sa kanyang musika at nagkomento, “Miss ur voice, ma’am!”
Pero sa itsura niyang ito, mukhang hindi lang boses niya ang nakaka-miss, pati na rin ang nakaka-miss-tulang katawan. Sa edad na forever young, tila lalo pang bumabata si Geneva.