Photo: Ehrran Montoya/FB
Arci Muñoz dyosa sa Bahrain
IBINAHAGI ng sikat na fashion designer na si Ehrran Montoya sa kaniyang Facebook, ang mga larawan ng aktres na si Arci Muñoz suot ang napaka-bonggang kulay berde na gown na gawa nito.
“Arci radiates ethereal beauty as she channels her inner earth goddess, donning a magnificent #EhrranMontoya creation,” caption nito sa kanyang post.
“Her stunning ensemble effortlessly merges with the natural elements, celebrating the harmonious connection between humanity and the world around us,” dagdag pa niya.
Bukod sa fresh and glowing make-up ng aktres, hulmang-hulma rin ang kanyang seksing katawan na ika nga “goddess”ang dating. Si Arci ay kabilang sa mga hurado na pipili sa kandidatang maging susunod na Miss Universe Bahrain 2023.