Default Thumbnail

Aral sa pagbabalik ni President Marcos sa palasyo

July 1, 2022 Allan L. Encarnacion 1061 views

Allan EncarnacionHINDI lahat ay nabibigyan ng ikalawang pagkakataon.

Sabi nga ng mga matatanda sa una, wala raw ikalawang gloria.

Pero binasag ng batang Marcos ang mga ito. Mula sa pagpapatapon sa kanila noong 1986, isa na siyang Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr na babalik sa palasyo ng Malacanang kung saan sila itinaboy.

Naroon ako sa bahay ni former Ambassador Danding Cojuangco, Jr. sa New Manila nang unang bumalik si Bongbong mula sa matagal na pagka-exile sa Hawaii. Wala itong sinabing masama laban sa Cory government sa kanyang pagsasalita nang mag-press conference siya sa bahay ni Boss Danding.

Kung mayroon ka man matutunan sa pagbabalik ni Marcos, Jr. sa palasyo, iyon ang tinatawag na “sweet revenge” cum “kill them with kindness” attitude.

Sa kabila ng lahat ng pang-aalipusta, masasamang taguri matapos ang people power revolution, hindi mo mariringgan ng masamang salita ang batang Marcos. Kaya iyong karakter na nakita natin sa kanya sa panahon ng kampanya, siya mismo iyon! Walang sumaping iba.

HIndi planado, walang script, walang nagtuturo sa kanyang gagawin. Natural talaga ni PBBM na hindi masalita at lalong hindi mahilig magsalita ng masama sa kanyang kapwa.

Nakita natin kung gaano karumi ang 2022 campaign, lahat na ibinato kay candidate BBM pero kahit minsan, hindi siya nagsalita ng masama sa taong nang-aakusa sa kanya.

Kahit anong gatong ang gawin ng media at kung sino pa, makikita mong gentleman talaga ang batang Macoy.

May isang pagkakatoan, sinubuan pa ng masamang tanong si PBBM. Iyong alam mong ginagalit talaga. Hindi raw pinayagan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang rally niya sa QC Memorial Circle sa kainitan ng kampanya.

Simple lang ang sagot ni candidate BBM: “Hindi naman siguro ganoon, tingnan natin kung ano ang totoong dahilan ng local government.”

Sa bahagi ni Mayor Joy, wala namang pulitika at napatunayan iyon dahil aktibo ang “B2B” or Bongbong and Belmonte sa QC. Si BBM talaga ang candidate ni Mayor Joy kaya pareho silang landlside.

Iyong ganoon klase ng statesmanship ni BBM ay nakita ng publiko sa national scene at sa local politics.

Softspoken talaga si BBM on and off camera. Natatandaan ko noong Senador siya, naimbitahan ako sa kanyang opisina sa Roxas Blvd kasama ng isang kaibigan. Kinukuha ako noon ni Senador Marcos na mag-close in writer sa kanya pero noong mga panahong iyon ay napakarami kong ginagawa kaya hindi ko natanggap ang alok na trabaho. Nagrekomenda na lang ako ng tao na magiging writer niya noong mga panahong iyon. Iyon ang second and last encounter natin kay Senador BBM.

Itong pagbabalik ng batang Marcos sa Palasyo ay dapat maging aral sa marami sa atin. Iyong mga taong nabubuhay sa paninira sa kanilang kapwa, iyong mga taong hindi uusad ang araw nang hindi winawasak ang reputasyon ng iba, aba’y pag-aralan nyo ang siyensiya ng pagkakaupo ni BBM bilang 17th President ng ating Republika.

Maging mapagpakumbaba at mapagparaya. Clean politics ang totoong nagpanalo kay President BBM.

[email protected]