Magi

Aral ng Pearl Harbor

December 7, 2024 Magi Gunigundo 126 views

TINUTURO ng kasaysayan na hindi tayo natututo sakasaysayan.”- Georg Hegel

Ang pag-atake ng mga eroplanong pangdigma ng Hapon saUS naval base sa Pearl Harbor ,Hawaii bago mag-alas otso ng umaga ng linggo ng Disyembre 7,1941, ay lubhang kinabigla ng mga Amerikano. Sa loob ng dalawang oras, natapos na ang sorpresang pag-atake, at bawat barkong pandigma na nasapantalan sa Pearl Harbor—USS Arizona, USS Oklahoma, USS California, USS West Virginia, USS Utah, USS Maryland, USS Pennsylvania, USS Tennessee at USS Nevada— at 300 eroplanoay nagkaroon ng malaking pinsala. 2,390 Amerikano ang nasawi. Malaking bahagi ng mga nasawi ang mga sundalong lulan ng USS Arizona, kung saan 1,177 nasa serbisyo ang namatay. Ang USS Oklahoma ay nagdusa ng pangalawang pinakamataas napagkawala ng buhay na may 429 na nasawi. Ang hakbang na itong bansang Hapon ang nagtulak sa Amerika na sumali sadigmaang naglalagablab sa Europa at Asya. Ito ang aral ng Pearl Harbor na dapat nating isaalang alang sa sa gitna ng banta ng pananakop ng Komunistang Tsina sa karagatan ng Pilipinas.

Kinabukasan (Disyembre 8,1941), nagtalumpati si Presidente Roosevelt sa Kongreso ng Amerika at tinawag ang pag-atake sa Pearl Harbor bilang isang araw na kalait-lait sakasaysayan ng Amerika at hiningi niya na pagtibayin ng Kongreso ang deklarasyon ng digmaan laban sa bansang Hapon.Maliban sa isang negatibong boto ng isang babaeng kongresista, pinagtibay ng Kongreso ng Amerika ang deklarasyon ng digmaan. Pagkaraan ng tatlong araw, nagdeklara naman ng digmaan ang Alemanya at Italya, mga ka-alyado ng Hapon, laban sa Amerika.

Marami ang nagsasabing limitado ang tagumpay ng pag-atake sa Pearl Harbor sapagkat nagkataon na nasa laot ang lahatng pinakamahalagang barkong may paliparan ng eroplano ngAmerikano at hindi ito nagtamo ng ano man pinsala. Totoongnapahiya ang mga amerikano na tinaguriang superpower ng mundo.Subalit pinagbigkis nito ang diwa ng galit at paghihiganting mga Amerikano laban sa Hapon.

Mayroon teorya na kung walang pag- atake sa Pearl harbor, baka hindi sumali ang Amerika sa digmaan sa kontinente ng Europa na nasa kamay na ng Nazi Germany na inumpisahan nilanoon 1939 ng sakupin ni Hitler ang Poland. Tanging Inglatera nalang ang natitirang bansa na hindi pa nasasakop ng mga Aleman at walang humpay ang pagsusumamo ni Churchill sa Amerika na tulungan sila bago pa mahuli ang lahat. Malayo ang mgaAmerikano sa panganib dahil sa mga dagat Atlantiko atPasipiko, at ayaw nilang danasin mamatayan ng mga sundalotulad noon World War I.

Painit ng painit ang nagaganap na girian ng mga hukbongpangdagat ng ating bansa at ng Komunistang Tsina nanakaambang maging superpower sa 2049. Hindi natin mabasakung anong pagbabago ng patakaran ang mangyayari sa pag upomuli ni Donald Trump sa Enero 2025 sa White House. Ang mahalaga ay hindi tayo dapat maglubay sa modernisasyon ng hukbong sandatahan ng ating bansa at lagyan ng sapat na pondoang pagbili ng mga gamit pangdigma pang- karagatan , himpapawid at lupa.

Huwag sanang maulit ang isang pag-atake tulad ng naganap sa Pearl Harbor 84 taon na ang nakalilipas. Subalitkung totoo ang tinuran ni Hegel, baka ang isang kahalintulad napag-atake sa ating bansa ang magbigkis sa diwa ng sambayananPilipino upang manindigan laban sa kalaban.

AUTHOR PROFILE