DAVEARA

Ara, sasabak sa lock-in taping … Dave, mag-isang magbi-birthday

August 26, 2021 Ian F. Fariñas 647 views

Medyo may lungkot sa boses ni Ara Mina noong makausap namin dahil kailangan na niyang bumalik sa lock-in taping ng FPJ’s Ang Probinsyano ngayong linggo.

Sa unang pagkakataon mula nang ikasal sila ng mister niyang si Dave Almarinez noong June 30, kailangan muna nilang magkalayo.

“Separation anxiety yata itong nararamdaman namin kasi mula nu’ng kasal namin, ngayon lang kami magkakahiwalay at matagal-tagal din akong mawawala, almost three weeks din,” bungad na kwento ni Ara.

Dagdag niya, “Pero naiintindihan naman ni Dave kahit nalulungkot din siya kasi trabaho ito. Kailangan talagang magtrabaho para sa pamilya at dapat nagtutulungan kaming mag-asawa.

“We will celebrate his birthday (sa August 29) na lang pagbalik ko kasi medyo tight na rin ang schedule niya sa work bago ako umalis,” aniya pa.

Samantala, habang nasa work si Ara ay isusubsob na lang din ni Dave ang sarili at oras sa trabaho although ’yun na nga, mag-isa muna siyang magsi-celebrate ng kanyang kaarawan sa Linggo.

AUTHOR PROFILE