Aradave

Ara at Dave, sa simbahan unang nag-date

August 4, 2021 Ian F. Fariñas 90 views

Tawang-tawa kami sa rebelasyon ni Dave Almarinez tungkol sa asawang si Ara Mina.

Kuwento niya sa isang panayam, “Una, hindi niya ako crush. Na-meet ko siya in an event, meron akong event sa basketball game, about three years ago. We invited her.

“’Yung matatapos na ’yung event, ’di pa rin nakarating. Kumbaga, hindi siya nakarating, late siya ng five minutes, tapos na ’yung event.

“So du’n kami nagkaroon ng pagkakataon na makapagkuwentuhan.

“’Yung time na ’yun, du’n kami nagkaroon ng opportunity na magkaroon ng konting kuwentuhan. That’s how everything started.”

Ayon kay Ara, ilang araw at linggo ang lumipas bago sila naging textmates.

“Parang textmate lang, parang ganu’n, du’n na nag-start. Nag-invite, invite siya ng dinner, minsan hindi ko napagbibigyan kasi nga super busy ako.

“Pero persistent siya kasi kahit pandemic ’andiyan pa rin siya.

“Hanggang sa maging ano na, exclusively dating na,” dagdag ng aktres.

Pagpapatuloy ni Dave, naiintindihan niya ang pagiging busy ni Ara sa kanyang showbiz career at ilang negosyong personal na inaasikaso.

Ilan sa mga negosyo ni Ara ay ang Hazelberry (cake and restaurant), Ara’s Secret (health and beauty products), Ara Shoes at Ara Colours (lipstick line).

“Siyempre, knowing her schedule, sa umpisa hindi naman kami araw-araw nag-uusap.

“Hindi siya frequent because of her work.

“Ang dami niyang tapings at that time. I have to be more patient, waiting, ’yun ang pinakaimportante, eh, on when is the right time para kami makapag-usap.

“’Yung connecting nga lang is a challenge already from the very beginning.

“So ’yun muna ang umpisa and from there we get to know better.

“And ang una pa nga namin when I asked her na puwede ba kita ma-invite to go out?”

Hindi raw typical date ang ginawa ni Dave dahil sa simbahan niya unang dinala si Ara.

“Going further, I brought her to a church du’n sa San Pedro City, sa may Landayan, kay Lolo Uweng.

“’Pag nag-pray ka raw du’n, ibinibigay daw sa ’yo ’yung pinagpi-pray mo.

“It’s not a typical date that I’ve done.”

Ang una nilang date ay sa simbahan na, ayon pa kay Dave, ay isang magandang simulain para sa mga taong nais magkaroon ng perfect partner.

At ngayon nga, masaya nang nagsasama ang dalawa bilang mga bagong kasal.

AUTHOR PROFILE