Aradave

ARA AT DAVE, GINAWANG ‘LOVETEAM’

July 10, 2021 Ian F. Fariñas 245 views

HANGGANG ngayon may netizens pang hindi maka-move-on sa mala-fairytale na wedding nina Ara Mina at Dave Almarinez na ginanap nu’ng June 30 sa Baguio City.

Isang netizen pa nga ang ginawang loveteam ang mag-asawa. Hirap daw siyang maka-move-on sa tinawag niyang “best wedding ever” na napanood online.

Marami pa at kabi-kabila ang positive comments sa naturang kasalan kahit pa nga nasa honeymoon na sina Ara at Dave sa isang private resort.

Pati event suppliers, todo-pasalamat at papuri rin sa bagong mag-asawa.

Anila, unti-unti nang naibabalik ang live events kahit nasa gitna pa rin tayo ng COVID-19 pandemic at istrikto pa ring ipinatutupad ang health protocols.

Nabuhayan ng loob ang mga taong nagtatrabaho sa live events.

Ayon kina Ara at Dave, marami silang natatanggap na positibong mensahe at marami ang nagsasabing na-inspire sila sa nasabing kasalan.

Naluha pa nga si Ara sa mga positibong mensaheng ipinararating sa kanya.

Anang isang event supplier: “Ms. Hazel, my designer friends din kami pala na nagpapasalamat sa inyo kasi nabuhayan sila ng loob, it’s like you are bringing back the grandeur in weddings daw po. Na in this time na pandemic, intimate is not a must, there’s a choice to be grand and dreams not to be restricted basta i-follow lang ng guidelines po.” Marami rin ang naiyak sa wedding vows nila.

Komento ng isang netizen: “Nakakaiyak ang wedding vows. Dama mo ang sincerity sa bawat isa. Best wishes & congratulations to the newlyweds Dave & Hazel. Nothing is really impossible with God. May God be the center of your relationship… one of the very intimate, fabulous, & great wedding I’ve seen… congratulations Dave & Hazel”

Isa pang netizen ang komento ng, “True love comes in unexpected place, person, and circumstances. It will find you and keep you… The journey has always been rocky, colorful, and shaky and sometimes could be unpredictable and painful. But in the end, true love wins and everything will make sense and well understood… So just keep the faith… True love will find u and keep u.”

Papuri ng isa pa, “Perfect wedding, very emotional, you will feel the love between them, congratulations to both of you.”

“Breathtaking ang wedding video niyo! Namugto mata ko sa luha, sa speech nyo to each other. Nasa daan kasi ako mahirap mapahula dito haha nung pinanood tumabi lang muna sandali. At yan talaga pinaka antay ko mapanood, napaka-simple wedding. Pero bongga, totoo simply Ara nga pero super bongga, congrats again Team Darve,” turan ng isa pang tagahanga.

Any day now ay tutulak na pa-Maynila ang mga bagong kasal para muling asikasuhin ang kanya-kanya trabaho.

AUTHOR PROFILE