Jelai Larawan mula sa IG/Jelai Andres

‘Aquaholic’

March 24, 2025 People's Tonight 178 views

KUNG tubig lang ang vlogger-actress na si Jelai Andres, siguradong kaaadikan siya ng mga netizens ngayong lumalakas ang init ng panahon.

Eh paano naman kasi, nakakapatid ng uhaw ang dala niyang sex appeal sa social media.

Sa isang Instagram post ni Jelai, napalunok ng laway ang mga kelot sa apaw na kaseksihan ng social media star nang magbahagi ito ng ilang larawan habang nasa beach.

“Aquaholic, beachy,” saad ni Jelai sa kanyang caption.

Wala ngang kalma-kalma para sa paghahain ng kaseksihan si Jelai nang ibandera nito ang perpektong hubog niya.

Bukod sa ganda ng content creator, nagwala rin hindi lang ang mga male fans niya pati na ang mga bebot niyang followers dahil sa hotness overload niyang wangkata.

Makikita kasi si Jelai habang todo-awra sa dalampasigan na ibinubuyangyang ang toned body sa suot na bikini. Pati ang juicy dyoga niya bet kumawala sa string bra nito.

Tanaw na tanaw sa nasabing post ang ‘body goals’ ng internet personality. Sa ganda ng hubog ng kanyang katawan, mapapatanong ang mga kalalakihan ng “paano mo aayawan?”

Inulan ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang pagbabalandra ni Jelai ng kanyang katawan. Tila naloka sila at pinukol ng fire at heart emojis ang nasabing post.

AUTHOR PROFILE