Application para sa mga bagong ruta ng PUVMP binuksan
MULING bubuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang “Application for Consolidation” sa mga rutang walang aplikante sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
Base sa Memorandum Circular No. 2022-071, binuksan ang mga ruta para sa aplikasyon dahil sa kakulangan ng consolidated entities sa mga naturang ruta. Bukod diyan, nakarating na rin sa LTFRB umano ang kagustuhan ng ilang grupo na mag-apply sa mga rutang binuksan sa ilalim ng PUVMP.
Pinapaalala ng LTFRB na ang application for consolidation ay bukas lamang hanggang ika-31 ng Marso 2023. Kasabay niyan, patuloy pa rin ang pagtanggap ng aplikasyon ng mga individual operator, base sa Memorandum Circular No. 2022-059.