APOR lang pwede lumabas — Gen. De Leon

August 15, 2021 People's Tonight 180 views

APOR lang ang pwedeng lumabas!”

Ito ang mahigpit na paalala ni Philippine National Police (PNP) Region 3 chief PBGen. Valeriano De Leon sa lahat ng mga nakatira sa Central Luzon.

“Marami pa rin kami nahaharang sa checkpoint o nasisita sa kalsada na hindi mga authorized persons outside residence o APOR,” ani Gen. De Leon.

“Imbes kasi na makatulong para mapigilan ang pagkalat ng COVID nagiging dagdag sila sa mga maaaring carrier o spreader ng virus,” dagdag pa ng heneral.

Aniya, dapat sumunod na lang ang mga tao sa utos ng mga kinauukulan para matapos na itong problema.

Humihingi din siya ng pang-unawa sa mga APOR na natatagalan sa mga checkpoints, kasabay ng pangakong dadagdagan pa niya ang mga tao niya na mag-iinspeksyon sa ng mga APOR ID at quarantine pass sa mga control points.

AUTHOR PROFILE