Larawan: Apol Salangad/FB
APOL na bumubukol
NAGBIGAY ng late na pamasko ang sexy star na si Apol Salangad sa kanyang mga tagahanga matapos niyang mag-post ng nakakapasong larawan sa social media.
Sa kanyang caption na “All I want for Christmas is you,” tila sinabayan ni Apol ang lamig ng Kapaskuhan ng init ng kanyang kaseksihan.
Sa larawan, suot ni Apol ang isang pulang lingerie na bumagay sa kanyang makinis na balat at flawless na katawan. Parang regalo na nakabalot ng sobrang ganda, pinatunayan niya na siya ang “Christmas wish” ng marami.
“Sa unang tingin akala ko si Maria Ozawa,” ani ng isang fan. Naging laman naman ng comment section ang papuri at emojis mula sa kanyang mga tagahanga.