Lily2

Apo ni Mother Lily pinaplano ang commercial run ng ‘Love Child’

August 11, 2024 Ian F. Fariñas 199 views

HINDI pa masiguro ni Keith Monteverde, apo ng yumaong Mother Lily Monteverde sa anak na si Roselle, kung kailan matutuloy ang napabalitang filmbio ng Regal Entertainment matriarch.

Nang makausap ng entertainment media sa wake ng kanyang lola, sinabi ni Keith na “we’ll just see. It’s very hard to put her life in a single story.”

Although naibahagi rin ni Direk Erik Matti na may script na ang nasabing proyekto, tanong ni Keith, “Meron na ba? ‘Di ko pa nababasa.”

If at all, feeling accomplished ang apo ni Mother sa malaking tagumpay ng una niyang project para sa Regal, ang “Love Child,” na pinagbibidahan ng rea-life couple na sina Jane Oineza at RK Bagatsing sa Cinemalaya.

Sinegundahan ni Keith ang naikwento ni Roselle sa press na naluluha siya nang unang mapanood ang rushes ng “Love Child.”

Aniya, “It has been such a good experience for us because like you said, its our first time in Cinemalaya and we’re very fortunate that our creative team found a script like “Love Child” because when we read it, we fell in love with it. We thought it was going to be a very special movie…

“It’s a very meaningful opportunity for us to be part of it. So we’re thankful to be able to support it. It was a very special movie from the start. Hopefully we could keep supporting this movie. We’re planning for a commercial release specially after all the reviews and, you know, all the good things people are saying. I think it deserves a wider audience din.

Ngayong 2024, dalawa pa umanong pelikula ang nakatakdang gawin ng Regal bilang pagsunod na rin sa habilin ni Mother na ituloy ang legasiya niya.

Para naman sa “Love Child” stars na sina Jane at RK, mission accomplished din ang pakiramdam nila.

“Masaya po kami, siyempre, kasi ‘yun po naman ang goal namin for ‘Love Child,’ eh, makaabot o maka-reach ng mas marami pang audience, maikalat pa ‘yung kwento nila na marinig po ang boses nila,” sabi ni Jane.

Ayon naman kay RK, “Saka relief din, kasi ang laki nu’ng responsibility nu’ng roles, nu’ng istorya. So nu’ng bago namin gawin, grabe ‘yung pressure na nararamdaman namin. Now na marami kaming nababasang magandang review, maraming nagsasabi na naka-relate sila, nakakatuwa po, ang sarap sa pakiramdam.”

Bale pang-limang movie na nila itong magkasama pero first para sa Cinemalaya.

Anang dalawa, hindi sila nag-e-expect na manalo ng award dahil ang goal nila ay mapalaganap ang kaalaman tungkol sa ASD (autism spectrum disorder).

“Hindi namin iniisip,” sey ni RK, “kasi unang-una, grabe ‘yung line-up ng finalists. Grabe ‘yung mga kasama naming actors. Parang ang goal namin talaga, to begin with, is magawa nang tama ‘yung kwento ni Direk Jonathan (Jurilla), kasi istorya nila ‘to, eh, ng asawa niya. And love letter niya ‘yun sa anak niya na si Oyen na nasa… na merong autism. ‘Yun nga, ‘yung sa trailer, ang daming nakaka-relate kaya ang pinaka-goal namin talaga is mas makalat pa, mas maraming maka-relate, mas magkaroon ng discussion about ASD (autism spectrum disorder).”

Maliban dito, nauna nang idinedicate nina Jane at RK ang malaking tagumpay ng pelikula sa alaala ni Mother Lily.

AUTHOR PROFILE