Andrei

Apo ni Marco patay sa aksidente

March 25, 2023 Aster Amoyo 905 views

Andrei1MAAGANG naputol ang pangarap ng Kapuso teen actor na si Andrei Sison (17) nang sumakabilang-buhay ito dahil sa isang vehicular accident na nangyari ng March 24, 2:30 a.m. along Commonwealth Avenue in Quezon City.

Si Andrei ay kasama sa bagong teen artists na nakatakdang i-launch ng Sparkle GMA Artist Center ngayong April.

Ang teen artist ay anak ni Marco Salvador, isa sa mga anak ng OPM icon, hitmaker and balladeer na si Marco Sison kay Tess Salvador (ng kilalang Salvador clan) making him his grandson. Pamangkin din siya ng singer, actress at host na si Karla Estrada at first cousin ni Daniel Padilla.

Si Andrei ay sumailalim na ng iba’t ibang workshop in acting, singing, dancing and public speaking bilang paghahanda sa kanyang launching sa isang buwan. He is being co-managed ng DMV Entertainment ni Manny Valera at ng Sparkle GMA Artist Center.

Pero ang lahat ng ginawang paghahanda ni Andrei ay nawalan ng saysay dahil maaga siyang binawi ng Diyos.

Labis itong ikinalungkot ng kanyang pamilya, mga kaibigan, nagging kasamahan sa Sparkle GMA Artist Center at DMV Entertainment maging ng kanyang fans.

Samantala, agad nag-issue ng official statement ang Sparkle GMA Artist Center na may kinalaman sa maagang pagpanaw ni Andrei:

“Sparkle GMA Artist Center sadly announces the passing of one of its teen artists Andrei Sison, due to a car accident early this morning (March 24).

“Our sincere condolences to the family and loved ones of Andrei. We request everyone to respect his family’s privacy in this time of great loss and join us in praying for the eternal repose of his soul.”

Rest in heavenly peace, Andrei.

Ama ni Sunshine pumanaw sa Amerika

SunshineSunshine1LUMIPAD patungong Amerika last Thursday, March 23 ang actress na si Sunshine Dizon para dumalo sa wake ng kanyang namayapang ama, ang US-based na si Isagani Bengson Dizon, Jr. who died in his sleep nung nakaraang Lunes, March 20.

“About to board the most painful flight I will ever take. No more Papa’s big smile and warm hug to welcome me,” post ng aktres sa kanyang IG account.

“Please whisper a prayer for My Papa Isagani Bengson Dizon, Jr. who died peacefully in his sleep March 20, 2023.

“Please pray for strength for my two siblings Sami and Isabel Dizon and the whole family. Thank you to those who called, messaged me personally, left messages and to those whom we personally do not know and yet sent their sympathies, thank you,” dugtong pa niya.

“I love you Papa. I never knew this kind of pain and longing. I will always be a Papa’s girl,”mensahe pa ng aktres.

Anak ni Chavit bagong endorser ng Beautederm

TanTan1KUNG pagsasama-samahin lahat ang brand ambassadors ng Beautederm ay abot na ito ng mahigit isang daan dahil last Tuesday, May 21 ay may ilang bagong BA (brand ambassadors) na naman ang lumagda ng kontrata sa leading beauty products line ng bansa na pinamumunuan ng napakasipag, most generous and amiable president and CEO ng kumpanya na si Rei Anicoche-Tan.

Kasama sa mga bagong brand ambassadors ang beautiful daughter ng `The rich and famous’ businessman at dating politician na si Luis `Chavit’ Singson na si Trish Singson (26).

Pinapayagan ni dating Vigan governor Chavit Singson ang kanyang dalaga na gumawa ng mga product endorsements or TV commercials pero never niya itong papayagang mag-artista.

Si Trish ang inatasan ng kanyang ama na mamahala ng Safari Hotel na matatagpuan sa loob ng 10- hectare property ng mga Singson in Baluarte, Vigan, Ilocos Sur. Si Trish ay nagtapos ng Hotel & Restaurant Administration in Enderun Colleges.

Tulad ng ibang brand ambassadors ng Beautederm, excited si Trish sa kanyang pagiging bahagi ng napakalaking pamilya ng nasabing beauty line na lahat ay malalaking pangalan mula sa iba’t ibang industriya.

Dolly may follow-up project sa Hollywood

DollyDollyTHERE’S no stopping veteran Filipino actress from reaching her dreams bilang international and Hollywood actress matapos niyang gawin ang Palm d’Or winning film na “Triangle of Sadness” which earned for her Best Supporting Actress Award mula sa Los Angeles Film Critics Association and nominations as Best Supporting Actress sa recently concluded British Academy of Film and Television Arts and Golden Globe Awards, making her the very first Filipino actor to be given such recognition.

Si Dolly ay may follow-up international project, ang “Grand Death Lotto,” an Amazon original movie kung saan mga tampok na bituin sina John Cena, Awkwafina at Simu Liu.

Hindi man na-nominate si Dolly sa nagtapos na 95th Academy Awards in Hollywood ay dumalo pa rin siya dahil nominado ang pelikulang “Triangle of Sadness” sa Best Picture, Best Director at Best Original Screenplay categories. It was also her first time na personal makadalo sa star-studded Hollywood event.

Rita nakatanggap ng liham mula sa Santo Papa

Rita2MAS bata sa mahusay na actress na si Rita Avila ang kanyang mister, ang Kapamilya writer-director na si FM `Erick’ Reyes.

Ipinangako noon ng actress sa kanyang sarili na hindi umano siya mag-aasawa sa mas bata sa kanya at hindi rin taga-showbiz. Pero kinain umano niya ang salita niya.

Naging malapit sa isa’t isa sina Rita at Direk FM sa set ng “Marinella” ng ABS-CBN kung saan tampok din sina Eula Valdez, Raymond Bagatsing, Shaina Magdayao, Rio Locsin, Serena Dalrymple at Camille Prats.

Tahimik lamang umano si Rita kaya doon na-challenge si Direk FM sa kanya hanggang magkaroon na sila ng relasyon.

The couple was blessed with a son na si Jesu Elia E. Reyes na tatlong lingo lamang nila nakapiling.

Although they were both so devastated sa maagang pagkawala ng kanilang anak, ito naman ang nagturo sa kanilang mag-asawa ng maraming lessons sa buhay.

Dito rin nagsimulang magsulat ng libro ang actress sa pamamagitan ng 8 Ways to Comfort with Grace” and “The Invisible Wings” na parehong nakarating sa Santo Papa. Dahil dito, nakatanggap si Rita ng sulat mula kay Monsignor Peter B. Wells, isang opisyal ng Vatican Secretariat of State kung saan ipinaabot sa kanya ang pasasalamat ng Santo Papa. Ito’y sinundan ng iba pa niyang mga libro tulad ng children’s book na “Si Erick Tutpik at si Ana Taba,” “The Invisible Wings 2,” “Wanna Bet On Love” at iba pa.

“Naiyak kaming mag-asawa nang matanggap ko ang letter mula sa Vatican,” pagbabalik-tanaw ng aktres.

Bukod sa kanyang pagiging isang mahusay na actress at book author, isa si Rita sa mga actress na marunong makisama sa kapwa.

Pareho rin silang pet lovers na kanyang mister na si Direk Erick or FM na kanilang binalingan nang mawalan sila ng anak.

Speaking of Rita and husband Direk Erick/FM, catch them sa aming exclusive na panayam sa kanilang mag-asawa sa aming online show on YouTube, ang “TicTALK with Aster Amoyo”.

Huwag nyo pong kakalimutang mag-subscribe, like, share and click the bell icon for notification.

Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE