Apela ng LCSP sa IATF, DOH: Incentivize, don’t penalize

June 23, 2021 Jun I. Legaspi 257 views

MARIING umapila ang isang commuter at transport group sa Inter-Agency Task Force (IATF) na ikunsidera ang pagbibigay ng incentives sa mga nakasuot ng face shield imbes na parusahan at pagmultahin ang mga mahuliling hindi nakasuot nito.

Sa sulat na ipinadala ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) hinikayat nito si AITF Chairperson at Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na-iconsider ang kanilang mungkahi.

“I think this way you will get more people to support your campaign and IATF will in turn be able to protect more people,” saad ni Inton sa interview.

Paliwanag pa ni Inton sa kanyang liham kay Duque na alam ng mga experts na walang scientific evidence na kailangan ang pagsusuot ng face shield.

Katunayan, angPilipinas na lamang ang nagpapatupad ng pagsusuot ng face shields bukod pa sa face mask, saad ni Inton.

Ayon kay Inton, naniniwala ang LCSP at mga kaalyadong grupo nito na commuter at transport groups na ang penalty ay hindi necessary sa mga mahuhuling hindi nakasuot ng face shield kundi ito ay dagdag panirap pa.

“Kitang kita naman sa mga news, social media at iba pang mga platforms wala sa ayos ang pagsusuot ng mga tao ng face shield, nagyayari ginagawa na lang itong visor at kapansin-pansin din maraming mga enforcers ang hindi sumusunod sa pagsusuot ng face shield habang nanghuhuli. So why not incentivize those who wear face shields instead, Mr. Secretary? It might just work to your favor,” saad ni Inton.

Kaya bilang pagsunod din sa utos ni President Rodrigo Roa Duterte sa pagsusuot ng face shield bakit hindi incentives ang ibigay sa mga individuals na nakasuot ng face shield, dagdag ni Inton.

Nauna na ring sinabi ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Health (DOH) na walang dahilan para i-penalize at pagmultahin ang mga individual na mahuhuling hindi nakasuot ng face shield.

Ayon kay Inton, umaasa ang LCSP at mga kaalyadong grupo napakikinggan ni Sec. Duque ang kanilang pakisuyo para na rin sa kapakinabangan ng lahat.

AUTHOR PROFILE