AO para one time rice assistance sa uniformed personnel, aprub na ni PBBM
MAY go signal na mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang one time rice assistance sa mga sundalo at iba lang uniformed personnel para sa taong ito.
Base sa Administrative Order No. 26 na nilagdaan ni Executive Secretary lucas Bersamin, bukod sa mga sundalo, makatatanggap ng rice allowance ang mga miyembro ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, at Philippine Public Safety College na nasa ilalim ng Department of Interior and Local Government.
Kasama rin sa.biyaya ang mga taga Bureau of Corrections na nasa ilalim ng Department of Justice,, Philippine Coast Guard gayundin ang National Mapping and Resource Information Authority na ilalim naman ng Department of Environment and Natural Resources.
Nakasaad sa Administrative Order na ang distribusyon ng rice assistance ay sisimulan sa susunod na buwan hanggang Marso 2025
Manggagaling ang bigas na ipamamahagi mula sa local at participating farmers o magsasaka ng Kadiwa ni Ani Kita o KADIWA Program ng Department of Agriculture.
Kukunin naman any pondo sa contingent fund na huhugutin naman sa General Appropriations Act ngayong taon.