Ynares

Antipolo City dinarayo ng Lakbay Aral

August 29, 2022 People's Tonight 174 views

KASUNOD ng parangal na nakuha ng Antipolo City sa Lalawigan ng Rizal sa nagdaang Gawad Edukampyon Awards for Early Childhood Care and Development (ECCD), ay naging puntahan ang siyudad nga mga “Lakbay Aral,” para alamin at magaya ang Sistema na ipinapatupad ng siyudad.

Nasungkit ng Antipolo City ang pagkilala para sa Component City Category, dahil sa maituturing na ating “exemplary performance,” pagdating sa early childhood care and development tulad ng mga daycare centers.

“Nakatutuwa,” pahayag ni Antipolo City Mayor Jun Ynares.

“Kasi nagiging suki na po tayo sa mga lakbay aral. Pinuntahan pa tayo ng mga Child Development Workers mula sa MSWD Rosario, Cavite, CSWD Batangas City, CSWD Bacoor City at Day Care Worker Presidents mula sa iba’t ibang munisipyo sa Rizal,” pahayag pa ni Mayor Jun.

Dahil sa ipinakitang galing ng siyudad, ay naging basehan ito ng ibang mga lungsod para tularan at obserbahan.

“Binisita nila ang ating daycare centers tulad ng National Child Development Center sa Sitio Cabading at Purok Imelda Child Development Center para sa kanilang lakbay aral kasama ang ating mga Child Development Workers,” sabi ni Mayor Jun.

Kabilang ng mga ito sa hanay ng mga lokal na pamahalaan at mga institusyon na bumisita upang magsaliksik sa lungsod na tulad ng Baguio City, Agusan del Norte, Patnanungan, Quezon; Davao del Norte; Lipa City, Batangas; Camarines Sur; Infanta, Quezon; University of Rizal System – Pililla Campus; St. Paul College – Pasig City; San Fernando, Pampanga; Clarin, Misamis Occidental; Catubig, Northern Samar; Castillejos, Zambales; Hilongos, Leyte; La Union; Nagcarlan, Laguna; Iloilo; Lipa, Batangas; Naga City, Bicol; San Fernando City, Pampanga; Catubig, Northern Samar; Taytay, Rizal; Candon City, Ilocos Sur; Zamboanga Peninsula.

Hindi lang umano mga lokal dahil maging ang mga opisyal o representante mula sa Western Province of Sri Lanka at Laujar de Andarax, Spain ay bumisita rin.

“Isang karangalan po na isa ang ating siyudad sa kanilang napipiling puntahan. Very much welcome po ang iba’t ibang LGU sa atin. Kaya Tayo Na Sa Antipolo!” pagmamalaki ni Mayor Jun.

Makailang ulit nang pinatunayan ng Lokal na pamahalaan ng Antipolo City ang kahusayan nito sa paglilingkod at pagpapanatili ng kaayusan at pamumuno.

Katunayan, nakakatatlong beses nang nahirang ang Antipolo City bilang Overall Most Competitive Component City sa bansa.

Consistent din na recipient a ng lungsod ng Antipolo ng Seal of Good Local Governance at Seal of Financial Housekeeping among others.

Ilan lamang ito sa mga pagkilala sa kagalingan at kahusayan sa pamamahala ng lungsod sa pamumuno ni Mayor Jun, na dahilan kaya pinupuntahan ng ibang mga lokal na pamahalaan at tinutularan.

AUTHOR PROFILE