Anthony

Anthony mangiyak-ngiyak sa pagso-sorry kina Maris at Jam

December 7, 2024 Vinia Vivar 120 views

Lumantad na rin si Anthony Jennings kaugnay ng kinasasangkutang “cheating controversy” nila ng ka-loveteam na si Maris Racal at ex-girlfriend na si Jamela Villanueva.

Sa maikling video na inilabas ng “TV Patrol” Friday night ay humingi ng tawad ang aktor sa lahat ng kanyang nasaktan, partikular na nga sina Maris at Jam, gayundin sa lahat ng taong nadamay sa issue.

“Sa lahat po ng mga nangyari noong mga nakaraang araw. Sa lahat ho ng mga taong nasaktan ko especially sina Maris at Jam, humihingi po ako ng tawad sa dalawang babae.

“And sa lahat po ng mga nadamay ko rin po. Yun lamang po, sorry po ulit,” malungkot at tlla maiiyak na wika ni Anthony.

Tumagal lamang ng 22 seconds and video ng aktor at wala na siyang iba pang pahayag o paliwanag tungkol sa issue.

Mataandaan na nauna nang naglabas ng kanyang panig si Maris noong Biyernes ng umaga sa pamamagitan din ng isang video.

Sa nasabing video na tumagal ng 14 minutes and 27 seconds ay emosyonal na ibinahagi ni Maris ang kanyang panig sa buong pangyayari.

Tulad ni Anthoniy ay humingi rin ng sorry si Maris sa publiko sa kasalanang kanyang nagawa at sa lahat ng taong naapektuhan sa issue.

Sa ngayon ay katakot-takot na bashings pa rin ang natatanggap ng MaThon dahil sa malaking eskandalong ito na nagsimula nang ilabas ni Jam ang screenshots ng palitan ng chat message nina Maris at Anthony.

AIDS AMBASSADORS

PiaPinangunahan ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang whole-day celebration ng World AIDS Day last Sunday sa Pasig City.

Nagsimula ang selebrasyon at 8 a.m. sa pamamagitan ng World AIDS Day Walk 2024 na sinalihan ng napakaraming tao, kabilang na si Health Secretary Ted Herbosa. Nag-participate rin ang mga empleyado ng Department of Health at ng Philippine National AIDS Council.

Sa hapon naman ay ginanap ang launching ng mga ambassador ng World AIDS Day U=U Campaign sa pangunguna ni Pia kasama sina Markki Stroem, Adrian Lindayag, Janlee Dungca at Lorenz Olleres.

Sa nasabing event na inorganisa ng DoH, ipinahayag ni Pia at ng iba pang ambassadors ang kahalagahan ng pag-educate sa mga Filipino sa prevention at treatment ng HIV.

“It’s a global campaign, and I’m sure the rest of the world is doing their events like this,” ani Pia.

Ayon sa DoH, kada araw ay may naitatalang 58 na kaso ng HIV sa bansa. Ang edad 15 to 24 daw ang pangunahing apektado ng sakit.

AUTHOR PROFILE