Anne panalo ang gimik sa pagbabalik
TRENDING ang pagbabalik ni Anne Curtis sa It’s Showtime nitong Sabado.
Hindi naman pasabog ang naging opening production number for her comeback kung ang batayan ay ‘yung mga usual na stunts na ginagawa niya sa Magpasikat, ang anniversary presentation ng programa. But her “take 2” was enough to make her comeback trending. Reaksyon tuloy ng mga netizens at viewers na gimik daw ito para pag-usapan. Whether it was intentional or not, only Anne could pull off such an act. And it was such a clever and effective move.
Ngayon nakabalik na si Anne, mas sasaya uli ang show. Dahil sa natural na kulit ng aktres. Mas makukumpleto pa ang saya kung babalik na rin si Jhong Hilario. Maganda ang chemistry nina Anne, Jhong at Vice Ganda. Witty at natural kasi sila lalo na ‘pag nag-ookrayan silang tatlo. Sa kanila pa lang, buhay na ang show.
To be honest, kahit tanggalin sina Vhong Navarro at Ogie Alcasid hindi sila kawalan. Si Vhong, walang improvement. Pa-corny nang pa-corny ang mga jokes. He seems to be time warped. Habang si Ogie, pilit na pilit sa pagpapatawa. True to his initials, he is OVER ACTING. Marami rin siyang sablay at offensive remarks gaya nang pagbanggit sa salitang “unano” (little.people is the politically correct term). Tawag nga sa kanya ni Vice ay Team Pahamak. As for Kim Chu, she’s an asset. Her energy is contagious. Kaya swak siya kay Anne, para lalong tumaas ang energy ng show.
Back to Anne, mas lalo siyang gumanda at sumeksi. And she is in good shape to resume her showbiz career. Sa katunayan, may comeback concert din siya, entitled :Luv-Anne,” sa
Newport Performing Arts Theatre at Resorts World Manila ngayong June 11.
At nakatakda rin gumawa ng serye bago matapos ang taon. Indeed, Anne is back. Sa dami ng hosts ng It’s Showtime, mukhang kailangan na itong magdagdag ng segment. Or kailangan na bang magbawas ng host? Just asking… By Joey Aquino
Disclaimer:
Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolumn na ito para sa anumang paglilinaw makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at [email protected]