Anne

Anne nangakong magiging aktibo muli

December 20, 2022 Aster Amoyo 165 views

IT was on December 2019 when TV and movie goddess Anne Curtis took a leave of absence from her showbiz career to give way to her pregnancy and eventually, giving birth sa kanyang first born with husband, Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie who was born in Australia nung March 2, 2020.

Although she made her occasional appearances on the noontime program “It’s Showtime” maging sa kanyang product endorsements ngayong 2022 after her daughter turned two, nangako si Anne na muli siyang magiging aktibo sa kanyang showbiz career including doing movies ngayong 2023.

Si Anne ay huling napanood sa 2019 Metro Manila Film Festival movie na “The Mall, The Merrier” with Vice Ganda. Her last TV guest appearance was on MMK on the same year.

Last November 12, Anne and her husband Erwan celebrated their 5th wedding anniversary. Ang dalawa ay ikinasal in Queenstown, New Zealand on November 12, 2017, almost one year after they got engaged on December 2016.

Because of the pandemic, nag-desisyon si Anne na mag-focus muna sa kanyang pamilya at pagiging hands-on mom to Dahlia who will be turning 3 on March 2, 2023.

The actress-host and celebrity endorser will turn 38 on February 17, 2023.

Donbelle

DonBelle magkakaroon ng sariling TV series

TIYAK na magbubunyi ang DonBelle fans ng magka-loveteam (at magkasintahan?) na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano dahil sa kauna- unahang pagkakataon ay muling magtatambal ang tinaguriang `The New Gen Loveteam’ sa kanilang kauna-unahang TV series na silang dalawa mismo ang mga pangunahing bituin. May titulong “Can’t Buy Me Love,” mapapanood ito ngayong 2023.

The break out loveteam in 2022 had their debut sa pamamagitan ng hit limited series na “He’s Into Her” on iWant TFC na nagkaroon pa ng second season.

Ito’y sinundan ng kanilang first digital movie na “Love is Color Blind” and their first recently theatrical released hit movie, ang “An Unconditional Love” under Star Cinema which brought them to other countries to promote the film.

Ngayong pahinga na ang LizQuen loveteam ng magkasintahang Liza Soberano at Enrique Gil, ang DonBelle nina Donny at Belle ang pumalit sa kanilang binakanteng puwesto habang nakasunod naman sa kanila ang tambalan na KDLex nina KD Estrada at Alexa Ilacad.

May bagong loveteam naman kaya ang sisipa nang husto sa darating na taong 2023?

Kapamilya maraming kaabang-abang na bagong programa

MARAMING mga bagong programa ang dapat abangan mula sa Kapamilya network sa pagpasok ng taong 2023.

Nariyan ang much-awaited new action-drama TV series ng TV drama king na si Coco Martin, ang “FPJ’s Batang Quiapo,” isa sa classic hit movies ng movie king na si Fernando Poe, Jr. nung 1986 na pinagtambalan nila ng Diamond Star na si Maricel Soriano. Ang serye ay pagbibidahan mismo ni Coco with Lovi Poe (the late FPJ’s daughter) at Charo Santos na magkatulong na pamamahalaan nina Coco at Malu Sevilla.

Speaking of Maricel Soriano, isa siya sa mga pangunahing bituin ng bagong drama series na “Linlang” kung saan din tampok na mga bituin sina Kim Chiu, Paulo Avelino at JM de Guzman.

Sina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Francine Diaz at Seth Fedelin naman ang lead stars ng primetime TV series na “Dirty Linen”. Nariyan din ang “Can’t Buy Me Love” ng DonBelle nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Kaabang-abang naman ang ika-5 th season ng “The Voice Kids – Philippines” with Bamboo and new coach members, ang Concert King na si Martin Nievera at ang Asia’s Soul Supreme na si KZ Tandingan.

Julia

Julia hopes to be busier next year

TWENTY-seven-year-old Kapamilya actress Julia Montes hopes to be busier on her acting career sa pagpasok ng taong 2023. She is one talent na hindi umaasa lamang sa kanyang acting career by reinventing herself and doing other things outside from showbiz.

In 2015, she took up culinary course at the Center for Culinary Arts at nitong kasagsagan ng pandemic ay binalikan niya ang kanyang pag-aaral sa Southville International School and Colleges.

Samantala, matagal nang usap-usapan ang tungkol sa kanila ng actor, director at producer na si Coco Martin pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang paglilinaw sa  estado ng kanilang relasyon. `What you see is what you get’ na lamang sa kanila ang publiko. Kumbaga, hindi na nila kailangang aminin pa.

Jackielou may frustration bilang actress

HINDI ikinakaila ng singer-actress-host na si Jackie Lou Blanco na meron siyang frustrations pagdating sa kanyang career bilang actress.

Ayon sa ex-wife ng actor-director na si Ricky Davao, marami umano silang papel na gustong gampanan na hanggang ngayon ay hindi pa rin umano naisasakaturapan.

“Dahil ba mestiza ako kaya hindi ako mabigyan ng role ng isang mahirap o ng iba’t ibang challenging roles?” tanong niya nang ito’y aming mapanayam sa aming online talk show, ang “TicTALK with Aster Amoyo”.

In her almost four decades in the industry, the daughter of Asia’s Queen of Songs Pilita Corrales admits na marami pa ring challenging roles ang hindi pa umano niya nagagampanan.

Despite her separation from her husband na si Ricky Davao, the former couple are blessed with three children na sina Kenneth, Rikki Mae at Arabella na siyang sumunod sa yapak ng kanyang parents sa pagpasok sa showbiz.

Nananatili rin ang pagkakaibigan ng dating mag-asawa alang-alang din sa kanilang grown up children.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell notification icon of “TicTALK with Aster Amoyo and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE