Anne may wax figure na rin sa Madame Tussauds Hong Kong
ANG 39-year-old Viva star, actress, TV host, concert performer and celebrity product endorser na si Anne Curtis is the 5th and latest addition sa mga kilalang Filipino celebrities na may sariling wax figure sa dinarayong Madame Tussauds Museum in Hong Kong at The Peak (Victoria Peak).
Bukod kay Anne, boxing icon Many Pacquiao was also immortalized sa pamamagitan ng wax figure kasunod ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach, ang 2018 Miss Universe na si Catriona Gray at pang-apat naman ang tinaguriang Broadway Diva, ang award-winning Broadway and West End star, ang singer, stage and movie actress na si Lea Salonga.
Sa naunang apat, kilala sila sa buong mundo dahil sa kanilang global achievements kaya kakaiba si Anne dahil siya ang kauna-unahang Filipino actress-model na nabigyan ng ganitong kalaking parangal at pagkilala na maihilera ang kanyang wax figure sa ibang Hollywood greats tulad nina Angelina Jolie, Lady Gaga, Brad Pitt, Elon Musk, Chris Hemsworth at iba pa.
Simula sa December 9, 2024 ay makikita na ang wax sculpture ni Anne sa dinarayo ng mga turista (including Filipinos), ang Madame Tussauds in Hong Kong at the Peak. At sa mga Pinoy na darayo sa nasabing wax museum ay tiyak na makakaramdam ng sense of pride dahil kasama sa mga kilalang personalidad sa buong mundo ang ating mga kababayan na nagbigay ng iba’t ibang parangal sa ating bansa.
Hindi pa nakikita ng four-year-old daughter ni Anne na si Dahlia Amelie ang kanyang `twin’ wax figure kaya balak nila ng kanyang husband na si Erwan Heussaff na dalhin ito sa Madame Tussauds Museum in Hong Kong para doon na ito makita kasama ang ibang mga known world personalities. Gusto rin kasi ng mag-asawang Anne at Erwan na makita ang reaction ng kanilang unica hija.
Ang pagkakaroon ng sariling wax figure sa Madame Tussauds Museum ay daig pa ang pagkakatanggap ng isang award.
Anne’s wax figure was unveiled last November 27, 2024 sa Discovery Primeao in Makati City na dinaluhan ng pamilya at malalapit na kaibigan ni Anne and the media.
Alden at Kathryn parehong matagumpay din sa negosyo
SA kabila ng malaking tagumpay ng balik-tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa pelikulang “Hello, Love Again” which is continuously breaking box office records na pinamahalaan ni Direk Cathy Garcia-Sampana under Star Cinema and GMA Pictures, Kathryn and and Alden are also successful entrepreneurs individually.
Taong 2017 pa lamang ay CEO na si Kathryn ng sarili niyang business, ang KathNails by KCMB na may ilang branches ngayon. Pinasok din niya ang food business at iba pang negosyo.
Tulad ni Kathryn, isa ring successful entrepreneur si Alden na kanyang sinimulan sa kanyang unang franchise ng McDonnald’s in Binan, Laguna, isang restaurateur, build-and-sell business at ang pagpasok niya sa production ventures – live concerts, e-sports and movie co-productions. He put up his own production outfit, ang Myriad Entertainment Corporation. Isa siya sa co producers ng hit reunion concert ng Eraserheards. He also co-produced with GMA Pictures and Cornerstone Studio ang first team-up nila ni Julia Montes, ang “Five Break-ups and a Romance” mula sa panulat at direksiyon ni Irene Villamor. He also produced e-sports, ang Myriad Esports Cup.
Ang pinakabagong venture ngayon ni Alden ay ang pagiging co-producer ng isang international movie, ang “Death March” na pinagbibidahan ng Hollywood actor na si Scott Adkins including actors from the Philippines, Europe, Australia at Japan. Co-producer din ng movie ang Kapuso actress na si Gabby Garcia who is also part of the film. The movie is also co-produced by an American writer, director and producer na si Marc Clebanoff who is known for movies tulad ng “Stakeout” (2019), “As Good As Dead” (2022), “Break” (2008), “Pinky Conspiracy” (2007), “20 Ft. Below: The Darkness Descending,” “Stripped” (2024) at itong “Death March”(2024).
Bukod sa pagiging in-demand actor at celebrity endorser, tutok si Alden pagdating sa kaniyang mga negosyo.
Samantala, marami ang nagku-comment na bagay na bagay talaga sina Kathryn at Alden sa isa’isa dahil bukod sa kanilang pagiging prized actors at celebrity endorsers ay may kani-kanya silang matagumpay na mga negosyo kaya masuwerte ang dalawa kung sila ang magkakatuluyan balang araw.
Sa part ni Alden, masuwerte na rin na hindi siya nagmadaling magkaroon ng kasintahan dahil kapag pinasok niya ito ngayon ay handang-handa na siya laluna ang pagkakaroon ng sarili niyang pamilya.
Alden is turning 33 on January 2, 2025.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@astermamoyo and X@aster_amoyo.