
Anne Curtis pumalag sa basher na sinabihan siyang ‘big lips’
PUMALAG ang Multimedia Superstar at “It’s Showtime” host na si Anne Curtis sa isang basher na pumuna ng kanyang bibig at labi.
Sa kanyang X (Twitter) account nitong gabi ng Sabado, Oktubre 7, dinepensahan ni Anne ang kanyang sarili mula sa netizen na sinabihan siyang papansin at kinutya pa ang parte ng kanyang katawan.
“MEDYO PAPANSIN TONG BIG LIPS NA TO. KULANG NALANG IPA SURGEON MO YANG BUNGANGA MO,” hirit ng netizen sa aktres.
Samantala, ipinagtanggol naman ni Anne ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-repost sa tweet. Aniya, hindi naman niya kailangang ipa-opera ang kanyang labi o bibig dahil mapalad umano siya na mayroon siya ng mga iyon.
“Hindi ko kailangan ng surgeon or any doctor dahil I was born and blessed with these lips or Bunganga as you say,” pahayag ng TV host-actress.
Agad na nag-private ang basher ng kanyang account upang hindi makita ang kanyang tweets matapos palagan ni Anne.
Sa kabilang banda, na-screenshot pa rin ng mga netizens ang sinabi ng basher sa aktres dahilan para kuyugin ito sa comment section.
“May mga malulungkot talaga sa buhay na dinadamay ang mga tahimik na tao sa lungkot ng buhay nila, ate @annecurtissmith.”
“Been watching you since you were in your teens. Nothing has changed though. We all know it. Dami lang talaga inggit/salty.”
“Hinde big lips si Anne… thick yung lips nya… and we love her for those pair…”
“We admire you just the way you are. You’re a Queen.”
“Hala may basher pa pala si Anne? Kalerks.”