Annabelle

Annabelle, rumesbak sa naninira kina Manny at Jinkee

February 1, 2023 Vinia Vivar 310 views

Nilinaw ni Annabelle Rama ang tungkol sa tsika umano na hiwalay na si dating Senador Manny Pacquiao at ang asawa nitong si Jinkee.

Malapit na kaibigan ni Tita Annabelle ang mag-asawa kaya naman hindi siya nakatiis at tinarayan niya ang mga nagkakalat ng balita.

Sa kanyang Instagram post, sinabi niyang fake news ito at very much together pa rin ang mag-asawang Manny at Jinkee.

“SA LAHAT NG MARITES, TIGILAN NYO NA ANG PAG IMBENTO NG KWENTO TUNGKOL KAY JINKY NA MAG FILE NG ANNULMENT, AT KAWAWA NAMAN DAHIL BUNTIS.

“I JUST WANT TO CLARIFY SA LAHAT NG NAG TXT AT TAWAG SA AKIN KUNG TOTOO ANG CHISMIS, NO IT’s A FAKE NEWS. UNANG UNA, SA NAKIKITA KO IMPOSIBLENG MAG HIWALAY ANG MAG ASAWA DAHIL SA NAKIKITA KO ANG SWEET NILA AND HAPPY FAMILY,” paglilinaw ni Tita Annabelle.

Ayon pa sa mataray na nanay nina Ruffa at Richard Gutierrez, abala nga si Jinkee ngayon sa pagpapagawa ng mansion nila.

“BUSY SI JINKY SA 3HECTARS MANSION NA PINAPAGAWA NI MANNY PARA SA DREAM HOUSE NILANG MAG ASAWA AT MALAPIT NA ITONG MATAPOS,” tsika niya.

Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Tita Annabelle sa nagkakalat ng tsismis na mamatay na lang daw ito sa inggit.

“KAYA YUNG MGA MARITES, TIGILAN NYO NA. ALAM KO KUNG SINO ANG GUMAGAWA NG CHISMIS MAMATAY KA SA INGGIT,” ang mensahe ni Tita A.

Sa comment section ay aliw ang sagot ni Jinkee na “ang taba ko s pic nato tita.”

Pero kasunod nito, aniya,“Hayaan mo na sila God bless them!”

Pagku-quote pa niya sa isang bible verse, “Vengeance is mine i will repay, says the Lord.”

Nagsimula ang fake news sa isang YouTube channel kung saan ay ibinalita niyang hiwalay na ang mag-asawa at magpa-file na ng annulment si Jinkee.

Marami ang nag-suggest na kasuhan ang vlogger pero sa malas ay wala namang balak si Jinkee na magdemanda pa at ipinauubaya na lang niya ito kay Lord.

AUTHOR PROFILE