Annabelle boto kay Herbert para kay Ruffa

December 6, 2021 Aster Amoyo 312 views

IS romance brewing between actor-politician Herbert Bautista (53) and former beauty queen and actress Ruffa Gutierrez (47)?

Kilala ang mommy ni Ruffa na si Annabelle Rama sa pagiging mapanuri pagdating sa nakaka-relasyon ng kanyang unica hija pero pagdating kay Herbert ay tila boto sa dating alkade ng Quezon City ang misis ng veteran actor na si Eddie Gutierrez.

Dahil sa pagkaka-link ngayon kina Ruffa at Herbert, ginagawang issue ng ilan ang height difference ng dalawa dahil mas matangkad di hamak ang actress at dating beauty queen kumpara sa actor-politician. Pero pagdating kay Ruffa, hindi issue sa kanya ang height sa lalaki lalupa’t hindi rin naman katangkaran ang kanyang ex-husband, ang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas na ama ng kanyang dalawang teen-age daughters na sina Lorin at Venice. Ang mahalaga sa kanya ay ang kalooban at katapatan ng isang tao.

Although wala pang kumpirmasyon na nagmumula sa magkabilang kampo, marami naman ang boto sa dalawa lalupa’t kilala naman ang dating mayor ng Quezon City sa pagiging caring, mabait at responsable.

Si Herbert ay may apat na anak sa dalawang magkaibang babae na sina Cray at Race (na parehong nagtapos ng pag-aaral sa ibang bansa), Athena at ang dating child actor na si Harvey.

Si Ruffa marahil ang ibig tukuyin ni Kris Aquino, ex-girlfriend ni Herbert na magandang babaeng nali-link ngayon sa actor-politician.

Samantala, although matagal nang magkaibigan sina Ruffa at Herbert, nagkalapit nang husto ang dalawa nang sila’y magsama sa romance-comedy series na “The House Arrest of Us” na pinagbidahan ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nung nakaraang taon.

Dionne1DionneDionne buntis sa unang baby

ON her 36th birthday last Sunday, December 5, ibinahagi ng ex-PBB housemate at actress na si Dionne Monsanto sa kanyang Instagram account that she’s 20 weeks pregnant sa magiging unang baby nila ng kanyang husband, ang Fil-Swiss na si Ryan Stadler.

It was last February 2021 nang aminin ni Dionne ang kanyang pagtalikod sa kanyang showbiz career para sa Switzerland na namimirmihan kasama ang kanyang husband na ngayon na si Ryan where they are starting a family of their own. The couple got engaged nung February 2021 na sinundan ng kanilang pagpapakasal in Switzerland nung March 8, 2021.

Ang ipinagbubuntis ngayon ni Dionne ay kinu-consider niyang `best birthday gift ever’ at advance Christmas gift na rin although sa isang taon pa nakatakdang isilang ang unang baby nila ng kanyang mister na si Ryan.

“This year has given me sooo much! I moved to a new country, learned a new language, discovered new interests, got engaged, married my best friend & love of my life @nayr_redlats, and together, we traveled & discovered different countries & cultures. BUT, this may be our most exciting adventure yet! I have never been this in love with life, and with love itself. I am so wildly grateful to the universe for conspiring in my favor. Thank you so much to our family & friends who have given us nothing but love, positivity & excitement for our growing family,” pagsi-share ni Dionne sa kanyang Instagram account.

Ilan sa mga showbiz friends ni Dionne ay nagpaabot ng kanilang pagbati at kasama na rito sina Ina Feleo, Rodjun Cruz, Kaye Abad, Jhong Hilario, Angelica Panganiban, Yam Concepcion, Jeffrey Hidalgo, Wil Devaughn, Ashley Rivera, Pocholo Barretto, Angelica Jones, Devon Seron, Jason Gainza at iba pa.

Alexa1Alexa laging naliligtas sa PBB eviction

DOUBLE eviction ang nangyari last Sunday evening (December 5) sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 at ang mga ito ay sina TJ Valderama at Karen Bordador. Sila bale ang pang-lima at pang-anim na evictee sa PBB house na nagsimula nung nakaraang October 16, 2021. Unang na-evict si John Adajar na sinundan ng Kapamilya actor na si Albie Casino, pangatlo ang aktres na si Chie Filomeno at pang-apat naman ang Kapamilya young singer-actor an si Kyle Echarri. Kaya 11 housemates na lamang ang natitira sa PBB house at kasama na rito ang singer-actress na si Alexa Ilacad na madalas ma-nominate pero naililigtas sa mga boto ng Kumunity.

Hanggang ngayon ay nananatili pa ring pahulaan kung sino ang tatanghaling Big Winner at the conclusion of this season’s edition.

Iya at Drew nag-groundbreaking sa dreamhouse

SA darating na January 31, 2022 ay ise-celebrate ng Kapuso couple na sina Drew Arellano (41) at Iya Villania (35) ang kanilang ikawalong taon as a married couple but their 18th year including then ten years bilang magkasintahan. Ang mag-asawa ay may tatlo nang anak na sina Antonio Primo (5), Alonzon Leon (3) at si Alana Lauren (1).

Kamakailan lamang ay ibinahagi ng mag-asawang Drew at Iya ang ground-breaking ng kanilang ipapatayong dream house kung saan nila gustong lumaki ang kanilang mga anak.

Si Iya ay isinilang at lumaki sa Sydney, Australia to Filipino parents. She’s a singer, dancer, actress at host at isa ring Kapuso TV host ang kanyang husband na si Drew.

Bukod sa kanyang pagiging segment host ng entertainment news sa primetime news program ng GMA, ang “24 Oras,” si Iya ay host din ng “Mars Pa More” together with Camille Prats at ang bagong pasok na si Kim Atienza.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE