DSWD Inaasiste ni PLT Col. Jonathan Villamor, MPD Station 3 commander, sina PMS Secretary Zenaida Angping at DSWD Asec for Operation Atty. Elaine Fallarcuna sa pagbibigay ng tulong sa mga nasunugan. Kuha ni JONJON REYES

Angping, DSWD execs nagbigay ayuda sa Sta. Cruz fire victims

August 4, 2022 Jonjon Reyes 362 views

PERSONAL na dumalaw at nagbigay ng tulong kamakailan ang kalihim ng Presidential Management Staff na si Zenaida Angping, kasama ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development, sa mga biktima ng sunog sa Fugoso St., Sta. Cruz, Manila.

Inalam ni Angping ang mga pangangailangan ng bawat pamilya na nawalan ng tahanan sa nasabing lugar. Umabot sa mahigit 382 pamilya ang nasunugan at nawalan ng bahay Martes ng hapon.

Agad inasistihan ni PLt. Col. Jonathan “Jojo” Villamor, Manila Police Distric Station 3 commanderm kasama ang kanyang mga kapulisan na sina Police Maj. Roberto Fajardo sina Angping at DSWD Assistant Secretary for Operations na si Atty. Elaine Fallarcuna.

AUTHOR PROFILE