Anghel na iba ang lipad
NETIZENS ang nakapansin na mala-Victoria’s Secret (VS) model ang naging atake ng social media star at isa sa mga newest Vivamax pantasya na si Carla Chao sa naging post nito sa Instagram.
Syempre hindi kumpleto ang pagiging VS angel kung wala ang iconic pakpak nito, kaya naman si Carla hindi nagpatalo.
Kabogera sa kanyang look ang sexy star, pinaresan niya ang pakpak na suot ng isang sexy lingerie na talaga namang nagpaangat sa kayang i-showcase ng bebot.
Palaban din ang malaman na wetpaks at pata ni Carla na masisipat sa larawan. Kahit mag-zoom in pa ang netizens, may kakinisan siyang hindi kailanman kaiinisan ng mga kalalakihan.
“A little bit devil in her angel eyes,” pahayag niya pa sa caption ng nasabing post.
Ayon na rin mismo kay Carla, inspired sa look ng K-pop star na si Lisa noong nag-perform ito sa katatapos lang na VS fashion show ang kanyang suot.
Hindi lang kuhang-kuha ni Carla ang outfit dahil maging ang atensyon ng mga kelot na siya ang fantasy, hulog na hulog din sa kanya.
Tiyak na aabangan ng dumarami pa niyang tagahanga ang kayang ipasilip ni Carla, sa social media man o sa mga proyekto na paparating para sa kanya.
Sa comment section ng post, binaha ng mga papuri at fire emojis ang pinusuan niyang mga larawan mula sa netizens.