Angeline

Angeline sa pagbubuntis: Para akong nababaliw minsan

January 30, 2022 Vinia Vivar 142 views

Super excited na nga ni Angeline Quinto na maisilang ang kanyang first baby. She’s due in April at looking forward na siya na dumating ang araw na iyon.

“Walang araw na hindi ako na-excite, walang araw na hindi ako naging masaya. Kasi sa araw-araw na nangyayari sa akin ngayon, sa pagbubuntis ko, may mga bagong pasabog ‘tong bata, eh,” sey ni Angeline sa kanyang latest YouTube vlog.

Naka-ready na rin daw ang kwarto ng kanyang baby boy at nangakong ipapakita rin ito in the near future.

Tuwang-tuwa nga siya na nakaparami na raw niyang natatanggap na gifts para sa kanyang baby.

Sa nasabi ring vlog ay sinagot ni Angeline ang mga tanong ng kanyang fans regarding her pregnancy at nagbigay din ng updates sa kanyang pagbubuntis.

Sa ngayon daw ay sobrang sensitive niya at minsan nga raw ay iyak siya nang iyak.

“Ewan ko, para nga akong nababaliw minsan. May time rin na iyak lang ako nang iyak na parang hindi ko naman alam kung saan nanggagaling ‘yung kalungkutan ko.

“Hindi ko alam kung umiiyak ba ako dahil masayang-masaya ako o umiiyak ako dahil malungkot ako. Isa lang naman ang nagiging dahilan kung ba’t ako umiiyak – ’pag nami-miss ko ang Mama siyempre.

“Pero ‘yun. Nagugulat din ako sa sarili ko, eh. Minsan naman, ang saya-saya ko lang. Minsan, ayoko nang may kausap,” she said.

Siguro raw nga ay ganu’n talaga ang mga buntis.

Ibinahagi rin niya ang mga bagay na hindi na niya nagagawa ngayong malaki na ang kanyang tiyan tulad ng pagkanta ng mahihirap na kanta.

“Kasi dati, ’pag may mga inaaral akong kanta, parang hindi naman ako masyadong nahihirapan po sa paghinga kasi natural sa akin ‘yung sanay sa ganu’n kasi nga, ‘di ba, nasanay ako nang mga pang-contest ang kinakanta ko dati.

“Habang lumalaki ‘yung tiyan ko, du’n ko napapansin na may mas effort na po talaga ngayon ‘yung pagkanta ko. Kasi ‘yung breathing ko, parang minsan, kinakapos ako.

“Kaya mas importante rin talaga na kahit every other day, makapag-breathing exercise, ‘yun ‘yung pinaka-importante sa akin ngayon. Para hindi pa rin nakakalimutan ng sarili ko kung pa’no ‘yung tamang pagkanta,” sey ni Angeline.

Nang may magtanong naman kung pwede na raw bang ibahagi kung sino ang ama ng kanyang dinadala, sagot ni Angeline, “Darating din naman tayo diyan, mga ka-Twinkle.”

Patuloy pa niya, “Sa ngayon, ang hihingin ko lang sa inyo, ibigay n’yo lang muna sa akin ‘yung moment na ‘to na habang ipinagbubuntis ko ‘yung magiging anak ko kasi parang feeling ko, kapag naipanganak ko na siya, baka ang bilis-bilis na ng mga pangyayari, kasi, ‘di ba, talagang mabilis naman ang panahon?”

Gusto lang daw muna niyang i-enjoy ang moment na ito.

Pero pangako niya, darating din naman daw ang time na ipapakilala niya ang tatay ng kanyang baby.

“Maniwala kayo sa akin, mga ka-Twinkle, hinding-hindi ko naman ‘yung ipagdadamot sa inyo,” she said.

AUTHOR PROFILE