Angeline Mga larawan mula sa IG/@loveangelinequinto

Angeline sa anak: Hinay-hinay sa paglaki

September 26, 2023 People's Tonight 291 views

NAG-ALAY ng nakaaantig na mensahe ang singer at TV personality na si Angeline Quinto para sa kanyang anak na lalaki na si Sylvio.

Sa kanyang Instagram post nitong Lunes, Setyembre 25 ibinahagi ni Angeline ang ilang nakatutuwang larawan ng kanyang anak.

Mensahe ng “Patuloy Ang Pangarap” singer sa anak ay nais niyang huwag muna itong lumaki agad-agad. Inalala pa niya na tila ba ang bilis ng panahon at dati ay karga-karga niya lang si Sylvio.

“Hinay hinay sa pag laki Anak. Parang kahapon lang lagi kitang karga, ngayon lakad at takbo ka na,” sey ni Angeline sa caption ng kanyang post.

Samantala, labis naman ang kagalakan niya bilang ina sa mga natutuhan ng anak sa paglaki nito.

“Masaya akong makita ang mga bago mong ginagawa. Umiiyak ang puso ko sa Tuwa. Mahal ka ni Mama,” pahayag pa ng singer.

Ikinatuwa naman ng mga netizens ang mensahe ni Angge sa anak niya. Sang-ayon din sila na parang kailan lang ay maliit pang bata si Sylvio.

“Cute ng Anak mo Angie. Parang kailan lang. Ang bilis lumaki ng mga bata.”

“Sobrang bilis ng panahon.”

“Pag ganyan daw, asking na ng kasunod!”

“Nakakatuwa ang bilis lumaki.”

AUTHOR PROFILE