Angeline nanganak na sa pangalawang baby
THIRTY-four-year-old singer, actress and YouTube vlogger Angeline Quinto has just given birth to her and husband Nonrev Daquina’s second child, a baby girl, last Wednesday, August 14, 2024.
Named Azena Sylvia (from her late adoptive mom’s first name), ang mag-asawang Angeline at Nonrev ay may almost three-old na panganay na si Sylvio Quinto Daquina.
Although inabutan ng adoptive mom ni Angeline ang mister niyang si Nonrev, hindi na nitoinabutan ang kanyang mga apo. She passed on nung November 7, 2020.
It was in May this year nang ibalita ng mag-asawa ang tungkol sa kanilang magiging second baby. The couple got married nung April 25, 2024 sa makasaysayang Quiapo church kung saan nakarating lahat ang mga VIP guest including Angeline’s ex-boyfriend na si Erik Santos. Sa halip na nakasakay ang mag-asawa sa isang flower-adorned Cadillac patungo ng simbahan, nakasakay sila sa isang traditional jeepney na pinalamutian ng mga fresh flowers.
Mark inilahad ang mga nakagugulat na karanasan
HINDI ikinakaila ng singer-actor at host na si Mark Bautista (who turned 41 last August 10) na naging liberating sa kanya ang paglabas ng sarili niyang libro nung February 2018 na pinamagatang “Beyond that Mark” sabay ng kanyang pag-amin na isa siyang bisexual.
Taong 2017 during the re-staging ng hit musical na “Here Lies Love” in Seattle, Washington nang malagay sa peligro ang kanyang buhay gayundin ng kanyang mga kaibigan na nakasama niya sa sasakyan nang isang American trigger-happy ang walang habas na nagpaputok ng baril matapos ilabas ang kanyang katawan sa kanyang sun-roofed car. May ilang bala ang tumama sa sasakyan nina Mark pero himala silang nakaligtas lahat.
“Ang buong akala namin ay katapusan na namin,” pagbabalik-tanaw niya.
“Doon ko lamang na-realize na anything can happen to you kaya maging masaya na lamang tayo and always do good sa ating kapwa,” aniya.
Abala ngayon si Mark sa paghahanda para sa kanyang nalalapit na major concert na gaganapin sa The Theater at Solaire sa darating na August 31 at 8 p.m. kung saan niya makakasama as special guets performers sina Regine Velasquez, ang `Suklay Diva’ na si Katrina Velarde, ang singer na si Arthur Neri maging ang singer-composer na si Rob Deniel at pamamahalaan ni GB Sampedro bilang concert director habang si Nico Rivero naman ang musical director.
It was on March 24, 2006 when Mark mounted his first major solo concert at the Aliw Theater billed as “Pop Heartthrob”. Magmula noon ay tuluy-tuloy na ang magandang takbo ng kanyang career bilang singer at actor.
Ang kanyang unang break sa international music stage ay nangyari nung 2014 when he played the role of the late Pres. Ferdinand Marcos sa hit musical play na “Here Lies Love” na nagkaroon ng rerun off Broadway in Seattle nung 2017.
Ang nalalapit na major concert ni Mark na pinamagatang “Mark My Dreams” ay maglalarawan ng kanyang 20 years in the business na kanyang sinimulan nang siya ang tanghalang second placer to Sarah Geronimo sa “Star for A Night” singing competition nung 2003 sa IBC-13 hosted by Regine Velasquez.
Jericho honest dahil inaming nanliligaw kay Janine
AT least, naging honest ang actor na si Jericho Rosales sa kanyang pag-amin that he’s going out on date with Kapamilya singer-acrtress na si Janine Gutierrez na co-star niya sa bagong seryeng “Lavender Fields” with Jodi Sta. Maria playing the title role.
Marami kasi sa ating mga male stars ang tahimik lamang pagdating sa kanilang love affairs kahit nakikita na silang lumalabas na magkasama sa iba’t ibang okasyon.
It was only in January this year nang aminin ni Jericho sa wala na sila ng kanyang ex-wife (of almost ten years), ang Australian model and blogger na si Kim Jones.
Obviously, naging malapit sa isa’t isa sina Jericho at Janine habang ginagawa nila ang TV series na “Lavender Fields”.
Ang huling nakarelasyon ni Janine ay ang Kapamilya actor na si Paulo Avelino na nali-link naman ngayon kay Kim Chiu kahit wala pang kumpirmasyon na nagmumula sa dalawa. Naging boyfriend din noon ni Janine si Rayver Cruz na nobyo naman ngayon ng Kapuso singer-actress na si Julie Ann San Jose.
Mga balitang showbiz mula sa Amerika
ISANG kaibigan namin sa Los Angeles, California, USA ang nagbalita sa amin na sold-out umano ang ginanap sa live show ng “ASAP Natin `To” sa Amerika kumpara sa nakasabay nitong concert featuring stars from the other TV network na nilangaw umano considering na ang featured stars ay mga pambato ng TV network.
Ibinalita pa ng aming source na nakatakda raw bumalik ng Pilipinas ang L.A.-based actress na si Hilda Koronel para gumawa ng serye at pelikula. Kahit senior citizen na si Hilda ay napakaganda pa rin nito hanggang ngayon at lulumain niya ang ibang actresses much younger than her.
Si Hilda ang kauna-unahang tumanggap ng Lifetime Achievement Award mula sa 1st Manila International Film Festival na ginanap sa Hollywood, USA nung February 3, 2023.
Bukod kay Hilda, marami-raming celebrities ang naka-base na iba’t ibang bahagi ng California, USA tulad nina Donita Rose, G Toengi, Bebe Gandanghari, Djohanna Garcia, Bunny Paras, Tootsie Guevarra, Louie Reyes (ng The Company), Edgar Mande, Anjanette Abayari, Paco Arespacochaga, Malu de la Fuente, Florante, ang director na si Quark Henaras at marami pang iba.
Ang ikalawang Manila International Film Festival (MIFF) ay nakatakda pa ring ganapin sa last week of January 2025 hanggang sa unang linggo ng February 2025.
“Definitely, mas malaki ito kumpara nung isang taon,” paniniguro pa
ng aming source.
Ang mga kalahok sa 2nd Manila International Film Festival ay ang sampung official entries ng ika-50th year ng Metro Manila Film Festival na ipapalabas sa TCL Chinese Theatres in Hollywood, USA habang ang Awards Night ay nakatakdang ganapin sa Beverly Hilton Hotel in Beverly Hills with Vilma Santos and Christopher de Leon as this year’s recipient ng “Lifetime Achievement Awards”.
Kung nung nakaraang Februarty 3, 2024 ay inisnab si Boyet (Christopher de Leon) ng mga jurors na maging nominee man lamang bilang Best Actor for his movie with Vilma Santos na “When I Met You in Tokyo,”this time ay isa siya sa paparangalan ng MIFF.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.