Angeline

Angeline, love at first sight kay Sylvio

April 28, 2022 Vinia Vivar 66 views

Isa nang ganap na mommy si Angeline Quinto. Nanganak na ang singer-actress sa kanyang first baby with her non-showbiz partner last Wednesday night.

Ibinahagi ni Angeline ang magandang balita sa kanyang fans and followers sa kanyang Instagram Stories.

Nag-post ang singer-actress ng larawan ng digital clock na may oras na “22:22:55,” which means ang oras ng kapanganakan ng kanyang baby boy na pinangalanan nilang Sylvio.

“10:22 PM 27 April 2022 Hello!!! Baby SYLVIO,” she wrote.

Kasunod nito ay nag-post siya ng larawan ng lampin na tila may baby sa loob.

“Love at first sight,” she wrote.

Bago ito ay nag-post din si Angeline ng larawan niya na nasa sasakyan niya at tila papunta na ng ospital.

Naka-expose ang kanyang malaking tiyan na may nakasulat na “ready to pop.”

Kahapon ng hapon naman, litrato na nilang mag-ina na karga niya ang sanggol ang ipinost ng singer na nilagyan niya ng caption na, “Motherhood unlocked.”

Congrats, Angeline!

Marco

MARCO, NAPE-PRESSURE SA ‘ROOFTOP’

Aminado si Marco Gumabao na happy siya pero may pressure rin na ang Rooftop ang first movie na ipalalabas ng Viva Films sa sinehan.

Isa ang aktor sa mga bida ng pelikula along with Ryza Cenon, Rhen Escaño and Epy Quizon.

Nagsimula na ang showing nito last Wednesday, April 27, exclusively sa SM Cinemas.

“Siyempre, nakaka-pressure, kasi I think, lahat naman po tayo mag-a-agree rito — mas madali kasing manood ng sine sa bahay, eh. Ever since nag-pandemic, na-realize natin na it’s so easy, it’s so accessible to just watch a movie at the comfort of your own home.

“So, siyempre ngayon na first movie namin na ipapalabas sa cinemas, nakaka-pressure kasi not everyone is still that brave to watch movies sa cinemas.

“But at the same time, everyone can agree na mas magandang manood ng movie sa big screen,” pahayag ni Marco nang makatsikahan namin sa premiere night ng Rooftop last Tuesday.

Dagdag pa ng aktor, mas maganda pa ring manood sa big screen ng isang horror film tulad nga ng Rooftop lalo pa nga’t idinirehe ito ni Yam Laranas na nagbigay ng ilan sa mga internationally acclaimed at award-winning horror movie tulad ng Sigaw, The Road at Aurora.

Kasama rin sa Rooftop sina Ella Cruz, Andrew Muhlach at Marco Gallo.

AUTHOR PROFILE