
Angelica tinaas lang ang paa, nakaka-Elya na
NABUHAYAN ang mga kelot sa pasabog ng Vivamax’s Bisyo ng Bayan, Angelica Hart matapos niyang ibandera ang nag-iinit na katawan niya.
Sa Instagram page ng sexy star nitong Biyernes, January 26, ibinahagi ni Angelica ang isang bikini photo na agad namang pinagpiyestahan ng mga barako sa comment section.
Suot-suot ng hot actress ang isang black pair of underwear habang nakasapatos. Todo-awra si Angelica sa kanyang pose at itinaas pa nga ang mga paa dahilan para bumulaga ang kanyang makikinis na pisngi ng kanyang wetpaks at maputing legs.
Tila mga asong tulo-laway ang mga anak ni Adan sa nakita nilang sumisirit ang kariktan na Eba.
Muling pinatunayan ni Angelica na siya ang bisyo ng bayan dahil sa nakaaadik nitong alindog.
“Drake warned me bout you,” sey ng Vivamax actress sa caption ng kanyang post.
Inulan naman ng mga komento mula sa netizens ang nasabing larawan ni Angelica. Tila nalunod sa heart at fire emojis ang ibinanderang hot body ng sexy star.
“Ganda mo talaga crush”
“My favourite viva max actress. I enjoy your scene.”
“Hottie 🥵🔥🤤”
“Wala kapo bago sa vivamax un nalang?”
Nakilala si Angelica sa kanyang mga pagganap sa ilang palabas kabilang na ang Sip (2023), Bisyo! (2023) at Secret Campus (2023).