Angelica Larawan mula sa IG/@iamangelicap

Angelica Panganiban emosyonal dahil sa puyat

December 7, 2023 People's Tonight 112 views

NAIIYAK dahil kulang sa pahinga ang celebrity mom na si Angelica Panganiban.

Sa Instagram story ng aktres nitong Miyerkules, Disyembre 6, ibinahagi niya ang isang selfie kung saan makikitang may mga bakas pa ng luha sa mukha niyang tila pagod na.

“Naiiyak na lang ako sa sobrang antok,” sey ni Angelica.

Paliwanag niya ay naisin man niyang matulog at magpahinga, ay kailangan niyang kumilos para sa kanyang asawa at anak.

“Gusto ko mag nap kaso kailangan na ko ng mag-ama ko. See you in a bit,” pahayag ng celebrity mom.

Ilang netizens naman ang naunawaan ang sitwasyon ni Angelica.

“Welcome to motherhood, it’s exhausting but rewarding at the same time.”

“Laban lang momshie! Pwede magpahinga pagfeel mo na overload ka na.”

“Ganyan talaga kapag nanay ka. Pwede kang magreklamo, pero bawal sumuko.”

“Kapit lang Angge, ganyan ang nanay.”

AUTHOR PROFILE