Angelica

Angelica, pahinga sa vlogging paglabas ng baby girl

August 16, 2022 Vinia Vivar 113 views

Sa pamamagitan ng kanyang vlog sa YouTube ay ibinahagi ni Angelica Panganiban ang mga regalong natanggap sa ginanap na baby shower kamakailan para sa first baby nila ni Gregg Homan.

Makikitang enjoy na enjoy ang aktres while unboxing the gifts at super thankful siya sa rami ng nagmamahal sa baby niya kahit hindi pa ito lumalabas.

May mga natanggap siyang regalo mula kina Anne Curtis, Judy Ann Santos, Dreamscape head Deo Endrinal, ABS-CBN executive Cory Vidanes, showbiz couples Edu Manzano and Cherry Pie Picache, gayundin ang magdyowang direktor na sina Dan Villegas at Antoinette Jadaone, Ryan Bang at marami pang iba.

Habang nagbubukas ay may mga tsika siya. Isa sa mga naikuwento niya ay malaki ang utang na loob niya kay Deo na siyang dahilan kung bakit niya nakilala si Gregg.

“Hindi ko na yata makakalimutan si Sir Deo dahil kung hindi dahil kay Sir Deo, hindi kami magkikita ni Gregg. Kasi siya ‘yung nagbigay sa akin ng opportunity na gawin ‘yung soap opera na Walang Hanggang Paalam and then, I said ‘yes.’

“Nu’ng nag-yes ako, dito kami sa Subic nag-shoot. Kaya ko nakilala si Gregg,” she said.

Sa pagtatapos ng kanyang vlog, sinabi ni Angelica na sobrang excited na siya sa paglabas ng kanyang baby girl.

“Malapit na malapit na. Ilang linggo na lang ang binibilang at ganap na akong ina,” aniya.

Hindi raw niya alam kung makikita pa natin sila once na nakapanganak na siya dahil siyempre ay magiging busy sila sa baby.

“Baka lang magpahinga kami. Siyempre kasi, magiging busy kami at magiging iba na talaga ang priorities namin,” saad ng aktres.

Kaya ngayon pa lang ay nagpasalamat na siya sa lahat ng subcribers niya sa YT at sa lahat ng tumangkilik sa kanya sa mundo ng vlogging.

KIM, PINAGTIMPLA NG KAPE NG ROBOT

Sobrang na-amaze si Kim Chiu sa kanyang coffee experience sa US kamakailan.

Ipinost ng dalaga ang short video kung saan ay makikitang ipinagtitimpla siya ng kape ng isang robot sa isang coffee shop.

Sa caption, ani Kim ay ibang level talaga ang naranasan niya.

“But first coffee!!! As a coffee lover, this is another level of Xperience!!!! Robot yung gumawa ng coffee ko!!! Isn’t it AMAZING?!!!!” sey ni Kim.

“Nakaka bilib na talaga ang technology ngayon. la lang shinare ko lang. hihihi,” patuloy pa niya.

At siyempre, may pampakilig din ang aktres sa fans nila ni Xian Lim.

Sey niya, pati sa pagkakape ay ang boyfriend ang naaalala niya since ang pangalan ng coffee shop ay CaféX.

“@xianlimm pati pag kape ko ikaw naalala ko!!!!” ani Kim.

Sa ending nga ng video ay sinabihan pa niyang “I miss you” ang BF.

Pati ang followers niya ay amazed na amazed din sa post ni Kim.

Pero as usual ay may mga nag-nega na naman na hindi natuwa’t ito raw ang dahilan kaya dumarami ang unemployed.

AUTHOR PROFILE