Angelica

ANGELICA, MUNTIK SUKUAN ANG PAGPAPA-BREASTFEED

September 2, 2023 Vinia Vivar 103 views

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Angelica Panganiban ang hirap na dinaanan bilang breastfeeding mom sa first baby nila ni Gregg Homan na si Bean.

Ayon sa aktres, ang pinakamahirap na parte ng pagiging ina ay ang breastfeeding at hindi talaga ito biro. Pero ito naman ang pinaka-fulfilling sa lahat.

“Kapag may nagtatanong sakin ano ang pinaka mahirap na stage ng motherhood, mabilis kong nasasagot. BREASTFEEDING. But… ito rin ang pinaka fulfilling sa lahat,” sey ni Angelica.

Noong unang linggo nga raw ng pagpapa-breastfeed niya sa anak ay muntik na siyang sumuko.

“After a week of breastfeeding, muntik na ko sumuko. Iniisip ko na lang, kung kaya ng iba, kaya ko rin,” aniya.

“Kaya naman salamat sa lahat ng ina na naging inspirasyon ko at Lifeline ko. Sa mga panahon na duguan at puyat na puyat na ko. Salamat sa inyo,” she added.

Kaya join ang aktres sa pagdiriwang ng breastfeeding awareness month.

“Masaya akong nakikiisa sa breastfeeding awareness month. Nagmamahal, inang may paltos, inang puyat, inang hawak ng anak ang oras. Pero inang masaya at kilig na kilig sa tuwing hinahanap ng anak,” pahayag ni Angelica.

AUTHOR PROFILE