Goodbye

Angelica, Loisa, Barbie, Maris at Elisse, mga sawi sa pag-ibig

January 31, 2022 Ian F. Fariñas 259 views

Bakit ba tayo iniiwan ng mga taong mahal natin? Bakit hindi tayo sapat para sa kanila?

Aalamin ni Angelica Panganiban kung bakit tayo nagiging broken-hearted sa iWantTFC original series na The Goodbye Girl kasama sina Loisa Andalio, Barbie Imperial, Maris Racal at Elisse Joson.

Handog ito ng iWantTFC ngayong Valentine’s Day at mapapanood na sa buong mundo simula sa Pebrero 14 na may bagong episode kada araw sa iWantTFC app at website.

Ang The Goodbye Girl ay base sa libro ng best-selling author na si Noreen Capili na tungkol sa iba’t ibang kasentihan ng limang klase ng babae at ang mga aral na matututunan nila mula sa pagmo-move on.

Magsisimula ang kwento kay Yanna (Angelica). Pagkatapos hiwalayan ng asawang si Y (RK Bagatsing), ila-livestream niya habang lasing ang kanyang kwento at magva-viral dahil sa dami ng nakaka-relate sa kanya.

Mapapansin siya ni Jeff (JC De Vera) at aalukin siyang magsulat ng libro tungkol sa iba’t ibang kwento ng kasawian at ang mga payo na ibinibigay niya sa mga ito.

Makikilala rito ang aktres na si Mara (Loisa), ang The Clueless Girl.

Tila nasa kanya na ang lahat pero hindi niya lubusang mapagtanto kung bakit lagi siyang iniiwan ng mga kasintahan niya, kabilang na si Gab (Ronnie), na biglaan na lang nakipag-break nang walang sapat na dahilan.

Si Kiera (Barbie) naman ang The Other Girl, ang kabit ng may asawang si Franco (Turs Daza).

Maiinip si Kiera kay Franco dahil pakiramdam niyang hindi nito pananagutan ang kanilang relasyon. Isang araw, malalaman na lang din ni Kiera na isa lamang siya sa mga naging babae ni Franco.

Nariyan din si Ria (Maris), ang The Bitter Hopia. Umaasa siyang masusuklian ng bandistang si Caio (Rico Blanco) ang lumalalim niyang pagmamahal para rito.

Dahil “casual” lang ang kanilang relasyon, hindi niya maamin-amin ang totoong nararamdaman para kay Caio.

Si Julia (Elisse) naman ang The Legally Blind, ang kawawang fiancée ng babaerong si Ean (Joshua Colet).

Kahit harap-harapan ang panlalandi ni Ean sa ibang mga babae, kumakapit si Julia sa pangako ni Ean na tutuldukan nito ang kanyang panloloko sa oras na ikasal na sila.

Ang The Goodbye Girl ay mula sa direksyon ni Derick Cabrido at produksyon ng Dreamscape Entertainment at Clever Minds Inc.

Mapapanood ito sa Pebrero 14 at may bagong episode kada araw sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iWantTFC website (iwanttfc.com).

Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa.

Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay.

AUTHOR PROFILE