
Angelica dinalaw ng ina
Ikinuwento ni Angelica Panganiban na dinalaw siya ng yumaong ina sa panaginip. Ayon sa aktres ay five months niya itong hinintay.
“Last night, habang aligned ang mga planets, nakabisita sakin si mama sa panaginip. 5 months ako naghintay. Gusto rin niya talaga grand entrance siya,” pagbabahagi ni Angelica sa kanyang Instagram Story.
Ipinahayag ng aktres ang kanyang pangungulila sa namayapang ina.
“Miss na miss na kita, ma,” aniya.
Matatandaang pumanaw ang ina ni Angelica na si Annabelle “Ebela” Panganiban noong August, 2024.