Angelica ayaw munang mag-artista dahil kay Baby Bean

February 25, 2023 Aster Amoyo 360 views

Angelica1INI-ENJOY muna ni Angelica Panganiban ang kanyang new role as a mother kay Baby Bean bago siya magbalik-showbiz.

Engaged couple Angelica and non-showbiz boyfriend Gregg Homan welcomed their first baby na si Amila Sabine or Baby Bean last September 20, 2022 at bininyagan naman ito nung February 4, 2023 kung saan ang ilan sa mga tumayong godparents ay ang mga close friends ng Kapamilya actress na sina Judy Ann Santos-Agoncillo, Anne Curtis-Heussaff, Kapuso singer-actress Glaiza de Castro (with her husband David Rainey in tow), Kim Chiu, Bella Padilla at iba pa.

Gregg proposed to Angelica when she was four months heavy with Baby Bean.

Parehong hands-on parents ang engaged couple sa kanilang first baby.

Ayon sa Kapamilya actress, ang pagiging ina kay Baby Bean ang `the best role’ na kanyang ginampanan ever which she will not trade off for anything in the world.

Aminado si Angelica na clingy umano si Baby Bean sa kanilang dalawa ni Gregg at ayaw nitong matulog sa kanyang crib at sa halip ay sa tabi nila ng kanyang fiancé.

Barbie at David patuloy ang pagiging mag-loveteam

DavidDavid1NAGTAPOS na nung Biyernes ang hit primetime TV series ng GMA na “Maria Clara at Ibarra” na tinampukan nina Julie Anne San Jose, Dennis Trillo at Barbie Forteza at kung saan din nakasama sina Tirso Cruz III, Manilyn Reynes, David Licauco, Rocco Nacino, Juancho Trivino, Juan Rodrigo at marami pang iba. Ito’y nagsimulang umere nung October 2, 2022 at nagtapos noong February 24, 2023 after four months sa ere.

Ang balita namin ay may sequel ito, pero hindi pa nire-reveal kung iba na ang cast.

Samantala, isang loveteam ang nabuo at nag-stand out sa serye, ang tambalan nina Klay (Barbie) at Fidel (David). Dahil dito, agad pinagtambal ang dalawa sa isang special episode ng “Daig Kayo ng Lola Ko” at sigurado kami na may nilulutong bagong serye ang Kapuso network para sa dalawa. Naging maagap naman ang OctoArts big boss na si Boss Orly Ilacad na igawa ng movie sina Barbie at David na sa Vienna, Austria pa kukunan.

“Magbabakasyon muna si Barbie sa Amerika at pagbalik niya ay saka sisimulan ang shooting ng movie nila ni David,” kuwento sa amin ni Boss Orly at the premiere night ng “Without You” na pinagbidahan nina David at Shaira Diaz na produced din ng OctoArts Films.

Jessy nagsilbing pulis kay Luis

LuisLUIS Manzano and Jessy Mendiola celebrated their 2nd wedding anniversary with their posts on their respective IG accounts recently. They secretly tied the knot on February 21, 2021 at The Farm at San Benito in Batangas officiated by City Mayor Eric Africa.

“One of the best decisions in my life was inviting you to my 2016 birthday (halatang napilitan ka lang at uwing uwi na), little did I know it was the start of a beautiful journey getting to know a friend, best friend, girlfriend, fiancée, wife and hot momma. Happy 2nd wedding anniversary and thank you for being the strength of this family. Peanut and I love you Mama! (heart emoji)”.

“I will protect you and I promise that if you grow weak, I will be there to fight your battles for you.” …….7 years together, 2 years married and still counting (heart emoji,” post naman ni Jessy.

“Isabella and I are blessed to have you in our lives. I prayed for you everyday, my love. God heard my prayer how pure your heart is and I always tell you this, your kindness is one of the reasons why I feel for you. You are kind to a fault that others take advantage of your good soul. Maybe that’s why God put me in your life, para maging pulis sa mga epal na umaaligid sa `yo. Just like what I promised you during our wedding 2 years ago, I will continue to be your bestfriend, lover, wife, confidant and protector until the end,” patuloy na mensahe ni Jessy.

“Happy 2nd anniversary, my love. Rosie and I will always be here for you through thick and thin. I love you very much (heart emoji),” pagtatapos ni Jessy.

Brenda mag-isang binuhay ang mga anak

FORMER actress and businesswoman Brenda del Rio single-handedly raised her three daughters, two of whom are sired by actor-comedian, former basketball player and politician na si Joey Marquez, sina Jowee Ann Marquez at Isabella Marquez.

Si Jowee Ann ay nagtapos ng Political Science sa Ateneo de Manila University (as her pre-law) and studied at the College of Law in San Beda – Alabang habang si Iza naman ay nagtapos ng pag-aaral sa De la Salle University. While her third and youngest (from her late partner) na si Hazel ay nagtapos ng Bachelor of Science in Economics (cum laude) sa U.P. Diliman. All three are now working.

Sina Jowee Ann at Iza are now independently living habang ang bunso ang kanyang kasama sa kanyang malaking bahay sa isang exclusive subdivision in Quezon City.

“Balangaraw ay magsasarili na rin si Hazel,” aniya.

Pero ang maganda, kumpleto sila ng kanyang mga anak tuwing araw ng Linggo, their family day.

It was in 2016 nang pumasa sa bar exams si Jowee Ann and she was among the 3, 747 bar passers that year.

Jowee Ann and Iza maintain their good relationship with their biological father na si Joey Marquez.

Kung si Brenda lamang ang masusunod ay gusto na rin niyang magsipag-asawa ang kanyang mga anak para magkaroon na siya ng apo.

“Masyadong career-oriented ang mga anak ko kaya nakakalimutan nilang mag-boyfriend man lang,” aniya.

Isa naman si Brenda sa mga artista noon na natutong mag-business at napalago niya ito. Habang lumalaki ang kanyang mga anak ay todo-kayod umano siya.

“Ang mapagtapos ko ang mgaanak ko was my goal at natupad ko naman,” pahayag pa ni Brenda.

GMA paano natutong magsalita ng iba’t ibang lengguwahe?

GMASI dating Pangulo at ngayon ay Senior Deputy Speaker of the House of Representatives Gloria Macapagal-Arroyo lang yata ang naging Presidente ng Pilipinas na marunong magsalita ng French at Spanish at iba’t ibang dialect tulad ng Ilocano, Hiligaynon, Cebuano at iba pa. An economist and former college professor, Inamin ni SDS GMA na laking-lola umano siya and when she was a kid ay tumira umano siya sa Iligan kung saan Cebuano ang salita.

Natuto naman siyang magsalita ng Ilocano dahil bukod sa Ilocano ang kanyang namayapang ina, Ilocano rin umano ang kanyang unang yaya na madalas siyang kausapin ng Ilocano.

Ang kanyang una’t huling boyfriend na naging mister na si Atty. Mike Arroyo ay isang haciendero sa Bacolod kaya natutunan din umano niyang magsalita ng Hiligaynon.

Si SDS GMA ay produkto ng ikalawang pamilya ng kanyang ama, ang namayapang dating Pangulong Diosdado Macapagal na isang bar topnotcher bago ito nagging kongresista, Vice -President and President.

She was 14 nang maging Presidente ng Pilipinas ang kanyang ama in 1961 not her knowing na magiging pangulo rin siya ng Pilipinas baling araw.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo

AUTHOR PROFILE