Angelica Panganiban

Angelica at BF nag-celebrate ng first anniversary

July 12, 2021 Aster Amoyo 587 views

KAPAMILYA Fil-Am actress Angelica Panganiban is turning 35 on November 4 at umaasa ang kanyang mga kaibigan na sana’y si Gregg Homan na ang kanyang `Mr. Right’ after three failed relationships with actors Carlo Aquino, Derek Ramsay and John Lloyd Cruz.

Last Sunday, July 11 ay muling nag-post si Angelica sa kanyang Instagram account ng picture nila ni Gregg celebrating their first anniversary as a couple. Hindi pa nagsi-share ang aktres ng nationality ni Gregg who is a foreigner at kasalukuyang naka-base sa Subic.

Nakasulat sa photo caption ni Angelica habang hinahalikan siya sa pisngi ng kasintahan , “I don’t ever want to be madly in love ever again. I want to be healthy in love, sanely in love, peacefully in love. Happy first year my love. I wuv yew”. Ang nasabing post ay umani ng maraming positibong reaction mula sa kanyang mga kaibigan in showbiz.

Jaya looking forward sa maayos na buhay sa Amerika

MATAPOS ang emotional na pamamaalam sa noontime program na “It’s Showtime” bilang isa sa mga hurado ng “Tawag ng Tanghalan” singing competition segment ng programa nung nakaraang July 3, lumipad pabalik ng Amerika last July 10 ang tinaguriang Queen of Soul na si Jaya (Maria Luisa Ramsey Kagahastian-Gotidoc) kasama ang dalawang anak na sina Sabriya and Dylan to join her husband na si Gary and stepson na si Gavin na nauna sa Amerika nung nakaraang January 2021.

Jaya

The pandemic took a toll on Jaya and her family kaya nag-desisyon silang bumalik ng Amerika para roon magsimula ng panibagong buhay at pakikipagsapalaran.

Jaya stayed in the Philippines for 26 years since 1995. Looking forward ang singer-actress sa magiging bagong buhay with her family sa Amerika kung saan nagsimula ang kanyang singing career. Unknown to many, si Jaya ang kauna-unahang Filipino recording artist na nakapasok sa Billboard’s Hot 100 chart sa pamamagitan ng kanyang American debut single na pinamagatang “If You Leave Me Now” na pumasok sa No. 44 position. Pero sa halip na ipagpatuloy niya ang kanyang singing career sa Amerika ay bumalik siya ng Pilipinas in 1995.

Patricia at Rob sabay na nagtapos

ANG mag-asawang Patricia Javier at Doc Rob Walcher ay dalawa sa 41 new graduates ng naturopathy course sa Richter School of Natural Therapeutics, Inc. Graduation Batch 150 na ginanap sa The Heritage Hotel Manila nung July 9, Friday, 2:30 p.m. to 6:30 p.m.

Patricia Javier and Doc Rob Walcher

Sa kabila ng pagiging successful ng Doc Rob’s Chiropractic Wellness Clinic ng mag-asawa na meron nang apat na branches in Quezon City, Makati, Alabang and Cavite, before the start ng pandemic ay nag-enrol ang mag-asawang Doc Rob at Patricia para sa kursong naturopathy.

“Gusto naming makatulong to promote the awareness for health and wellness,” pahayag ng singer-actress at entrepreneur.

Bukod sa mag-asawang Doc Rob and Patricia, 11 sila out of 41 new graduates na nagmula sa Doc Rob and Associates at kasama na rito ang mga kapatid ng singer-actress.

The two-year course started before the pandemic via a full face-to face class pero ito’y naging online with a once-a-week face-to-face class.

Dahil sa mga bagong natutunan nina Doc Rob and Patricia, they can add new services sa kanilang Doc Rob and Associates Chiropractic Vitality Wellness Center.

Cindy itinangging may kinalaman sa hiwalayang Kylie-Aljur

NGAYONG July 30 (Friday) ang global premiere ng sexy-drama-thriller movie na “Nerisa” na matutunghayan sa ktx.ph, iWant TFC, TFC IPTV at sa Vivamax. Ang nasabing pelikula ay pinagbibidahan ng dating beauty queen-turned sexy actress na si Cindy Miranda who was first launched ng Viva Films in the 2019 sexy drama-thriller movie na “Adan” along with Rhen Escano na dinirek ni Roman Perez.

Aljur Abrenica

Cindy plays the role of Nerisa habang si Aljur naman as Obet, Ito’y mula sa panulat ng award-winning writer-scriptwriter na si Ricky Lee at direksyon ni Lawrence Fajardo. Tampok din sa nasabing pelikula sina Elizabeth Oropesa, Bembol Roco, ang sexy bombshell na si Sheree Bautista, ang Vivamax sexy princess na si AJ Raval at ang lead star ng “Macho Dancer” na si Sean de Guzman.

Nagpapa-seksi man si Cindy sa kanyang mga pelikula, mas gusto pa rin niyang makilala siya bilang isang seryosong actress.

Samantala, na-shock si Cindy nang lumutang sa mga balita na siya umano ang dahilan ng break-up ng mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla bagay na agad niyang pinabulaanan.

“Bakit ako nasali sa isang usapin na hindi naman ako involved?,” buong pagtatakang tinuran ng dating beauty queen.

“I had a professional working relationship with Aljur sa pelikulang ‘Nerisa’ pero liban du’n ay wala na,” paliwanag niya.

Sa halip na magpaapekto sa mga intriga, gustong ituon ni Cindy ang kanyang attention sa kanyang career at sa upcoming movie na “Nerisa.”

Samantala, maaring mag-stream ng Vivamax sa web.vivamax.net. Mag-download na rin sa app at mag-subscribe via Google Play Store at App Store. Watch all you can sa halagang P149 kada buwan o P300 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Meron pang hot price na P20 lamang at may 3-day access na sa Vivamax.

Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash or PayMaya. Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa or Mastercard. Para naman makapagbayad mula sa Ecommerce, maaaring pumili sa Lazada, Shopee, Comworks, Clickstore or PayMaya. Para makapagbayad sa mga authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express and Load Central.

Ang cable partners ng Vivamax ay ang SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connext, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation at Conception Pay TV Network, Inc.

Available na rin ang Vivamax sa Middle East – UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain at Qatar – Watch All You Can for only AED35/month. Sa Europe ay mapapanood na rin ang Vivamax sa halagang 8 GBP kada buwan. Malapit na ring i-launch ang Vivamax Japan at iba pang mga bansa.

Vivamax was formally launched in the Philippines nung January 29, 2021 sa pamamagitan ng pelikulang “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” mula sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTalkWithAsterAmoyo on my YouTube Channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE