Robb Robb Guinto

Angeli, Robb nagbenta ng underwear at lingerie kay Boss Toyo

August 2, 2024 Eugene E. Asis 205 views
Angeli
Angeli Khang

KAKAIBA ang episode 391 ng “Pinoy Pawnstars” vlog ni Boss Toyo sa YouTube, kung saan nagpunta ang vivamax stars na sina Angeli Khang at Robb Guinto sa shop ni Boss Toyo para magbenta ng kanilang lingerie at underwear. Kuwento nina Angeli at Robb na ang ibinebenta nilang lingerie ay ginamit nila sa latest movie nilang “Unang Tikim” mula sa Vivamax.

Unang inilabas ni Angeli ang kanyang black lingerie na hinawak-hawakan ni Boss Toyo para raw i-check saka inamuy-amoy. Ipinaamoy din niya ito sa isa nilang male staff kaya tawanan ang lahat ng nasa shop.

Kasunod nito, inilabas naman ni Robb ang kanyang bra sabay saying, “Actually, may isa pa akong ibebenta, lingerie rin siya kaso nga lang suot ko.”

Tanong ni Boss Toyo, paano raw niya ito ibebenta kung suot niya.

Tugon ni Robb, “Ito, huhubarin ko! Ha-hahaha!” Hirit naman ni Boss Toyo, “Sige nga! Sige nga! Sige nga!”

Hinubad nga ni Robb ang kanyang underwear (mula sa suot nitong sleeveless black dress) saka inabot kay Boss Toyo na napasigaw sa ginawa ng sexy actress. Ipinaamoy din niya ito sa lalaki nilang staff na parang nahiya rin sa ipinagawa sa kanya.

Ang unang asking price nina Angeli at Robb kay Boss Toyo ay P50,000 per piece pero hindi ito kinagat ng content creator. Aniya, pwede nilang bilhin ng P1,000 per piraso.

Ngunit sa huli, nagkasundo sila na ibenta lahat ng lingerie sa presyong P7,500. Humiling din si Boss Toyo ng litrato na suot nina Angeli at Robb ang mga naturang underwear para sa pagdi-display sa kanyang itinatayong museum.

Sa comment section ng YouTube vlog ni Boss Toyo nag-iwan ng mensahe si Robb, “BILHIN NYO NA FRESH PA YAN HAHAHA ginamit sa #UNANGTIKIM movie namin ni Angeli Khang.”

“Bundle lingerie namin ni Robb Guinto P7,500 na lang!! San ka pa,” sabi naman ni Angeli.

AUTHOR PROFILE