Angeli natuksong kainin ang dog food
Binalikan ni Angeli Khang ang matinding pinagdaanan sa ama noong bata pa siya.
Sa panayam ng Vivamax Queen kay Boy Abunda, detalyado niyang ikinuwento ang naranasan nilang magkapatid na pang-aabuso sa Koryanong ama.
“I was born here in the Philippines. After nu’ng elementary ko, pumunta ako ng Saipan with my dad. I really respected my dad and I missed him so much from not seeing him for a long time,” simula niya.
“Pero siguro iba ‘yung sobrang military discipline ni Daddy. My dad was a US military officer. Hindi matatapatan ang motherly love.
“But a dad’s love, a father’s love, is uptight. A dad’s love is very different from a mother’s love. Pero since military discipline ‘yung dad ko, mas naging uptight pa siya,” aniya.
Ang kanyang kuya ang unang nakaranas ng pisikal na pang-aabuso mula sa kanilang ama.
“We were physically abused. Kahit ano’ng makita.
“One time, merong dos por dos kasi he owns a construction company there. Nu’ng nakita niya ‘yun sinaktan niya agad ‘yung kuya ko. Pinalo sa likod and hindi pula ang lumabas sa likod ng kuya ko, color purple na.
“The reason was only may pinapa-solve si daddy na Math pero my brother ‘di niya agad nasagot. Nu’ng hindi na kinaya ng kuya ko, umuwi na siya ng Pilipinas,” pagbabahagi ng sexy actress.
Nang umalis ang kuya niya, siya naman ang pinagbalingan ng ama.
“Hindi ko inaamin na alam ko na umuwi si kuya dahil si kuya tumakas, tumakas siya kay daddy. And gusto akong paaminin ni daddy. Ang way niya ay bigla niya akong ingungudngod sa hugasan ng plato,” kwento niya.
Minsan naman daw ay one week siyang hindi pinakain ng ama at sa sobrang gutom niya, habang pinapakain niya ang kanilang aso ay naisip niyang kainin din ang pagkain nito.
Pumapasok daw siya sa school na may pasa at duguan ang kamay at nawala na rin ang energy niya as a teenager.
“Ang lagi lang sinasabi sa akin ni daddy to comfort me is I want the best of you,” aniya.
Hanggang sa may magmalasakit sa kanya na isang classmate at nagsumbong sa kanilang teacher na kumilos agad at nagsabi sa kanilang school counselor.
Dito na siya dinala ng ama sa Pilipinas.
“Kasama ko si daddy umuwi ng Pilipinas. Pagkauwi ng Pilipinas, tinawagan niya ‘yung mom ko na kunin niya ako at pag-aralin ako sa Pilipinas, kahit anong gusto niyang school, susuportahan pa rin ako at may monthly allowance.
“Pero nu’ng pagpasok ng mom ko, nakita niya kung gaano ako kalanta, walang buhay, and nu’ng nalaman ng mom ko, nag-file na agad ng case laban sa daddy ko,” pagbabalik-tanaw ni Angeli.
“‘Yung case na filed, it took a lot of years. Ang daming dilemma na nangyari, 2020 or 2021 bago na-file ‘yung warrant of arrest sa dad ko,” she said.
“I’m thankful sa career ko ngayon dahil mas naging easy ‘yung pag-file ng case sa dad ko. Kapag bumalik ang dad ko sa Pilipinas, may warrant of arrest na siya. Huli na agad,” saad niya.
Sa tanong kung mapapatawad pa ba niya ang ama sa kabila ng mga ginawa nito sa kanilang magkapatid, “I will forgive him if he asks for forgiveness. He’s 80 plus years old.
“There will be judgment, kung hindi man siya ma-judge dito sa mundo. There will always be judgment,” wika pa ng Vivamax star.
PASSION SA GITARA BITBIT HANGGANG AMERIKA
Kahit nasa US ay talagang kitang-kita pa rin ang passion for music ng Kapuso couple na sina Rayver Cruz and Julie Anne San Jose.
Sa Instagram, ibinahagi ng magdyowa ang kanilang pagpunta sa Guitar Center sa Hollywood sa Los Angeles, California.
Caption ni Rayver, “guitar hunting with mi heart.”
Sa video ay makikitang masayang-masaya si Rayver nang pumasok sa store at manghang-mangha sa laki nito.
Inikot nila ang tindahan at tumingin ng iba’t ibang klase ng gitara para bilhin. Makikita ring nag-gitara sila para i-test ang mga unit.
Pinili ni Rayver bilhin ang isang electric guitar habang si Julie Anne naman ay isang rosewood guitar from Taylor ang napili.
Kasalukuyang nasa Amerika sina Julie at Rayver para sa dalawang shows sa California.