Angeli nakikilala na bilang mainstream actress
WITH the former Vivamax Queen AJ Raval on a semi-retired mode, Filipino-Korean sexy star Angeli Khang took over as the newest queen, isang titulong nagbibigay sa kanya ng pressure.
“I’m honored for the title and at the same time nakaka-pressure,” ani Angeli na hindi lamang pagpapa-sexy ang alam kundi isa ring mahusay na aktres, dahilan kung bakit siya kinuha ng GMA na maging mahagi ng kanilang recently concluded action-drama series na “Black Rider” na pinagbidahan ni Ruru Madrid. Palabas din ngayon sa mga SM and Ayala Cinemas ang kanyang pelikula with Robb Guinto, ang “Unang Tikim,” first time na napanood siya sa big screen.
Unti-unti na ring nakakatawid sa mainstream si Angeli, isang bagay na kanyang ipinagpapasalamat. Pangarap din niya siempre na dumating ang panahon na huminto na siya sa pagpapa-sexy at makagawa na siya ng mga proyekto (both on TV and movies) na lalong magpapakita ng kanyang husay sa pag-arte kasama ang mga known and veteran actors.
“Marami namang mga artista ang nagsimula sa pagpapa-seksi pero sa kalaunan ay kinilala sila bilang mahuhusay na actor,” aniya.
“Yan din po ang path na gusto kong sundan,” dugtong pa niya.
Ang hidden acting talent ni Angeli ay nakuha niya marahil sa kanyang personal experiences mula sa kanyang pagkabata hanggang sa kanyang paglaki kung saan dumanas siya ng pananakit mula sa kanyang disciplinarian Korean father na isang retired US military general-turned businessman na naka-base in Saipan na isang US territory tulad ng Guam.
Hiwalay na ang parents ni Angeli. Her Filipino mother returned to the Philippines at naiwan sa Saipan si Angeli with her elder brother na hindi rin nakatiis sa pananakit ng ama kaya tumakas ito pabalik ng Pilipinas. Nang umalis ang kuya ni Angeli, nabaling umano sa kanya ang lupit ng kanyang ama. There were times na sinasapak umano siya at isinusubsob sa lababo. May pagkakataon pang hindi siya pinakakain ng kanyang ama.
Gusto ng kanyang ama na siya’y mag-aral sa ibang bansa. AT first ay gusto niya umanong kumuha ng kursong medicine o di kaya law pero naisip niya na malalayo siya sa kanyang ina kaya nag-desisyon siyang bumalik ng Pilipinas to stay with her mother and brother.
“Kung mag-aaral ka sa ibang bansa (kahit saan), susuportahan kita pero kung sa Pilipinas ka, wala kang maasahan at walang mangyayari sa `yo,” ito raw ang sinabi sa kanya ng kanyang ama.
Since ayaw nang mawalay ni Angeli sa kanyang ina ay nag-desisyon siyang manatili sa Pilipinas pero natigil umano siya sa kanyang paga-aral nang pumasok na siya sa showbiz.
“If there’s a chance, gusto ko pa rin pong tapusin ang pag-aaral ko,” pahayag pa ni Angeli.
Walang alam ang ama ni Angeli na siya’y kilala at nagpapa-seksi sa kanyang mga ginagawang pelikula sa Pilipinas. Since nasa tamang edad na umano siya at nakasuporta naman sa kanya ang kanyang ina at nakatatandang kapatid ay hindi na umano sila umaasa ng tulong mula sa kanyang ama. Matagal na umano silang walang komunikasyon sa isa’t isa.
Sarah at Matteo sinamantala ang concert sa Australia
FILIPINO pop superstar Sarah Geronimo is currently in Australia for a live concert with Bamboo (Manalac) in Sydney and Perth. She was accompanied by her husband, Matteo Guidicelli.
While in Australia, the celebrity couple took advantage of their limited time na makapamasyal sa magagandang lugar doon tulad ng Sydney Opera House and Sydney Taronza Zoo kung saan nakipaglaro at nagpakain si Sarah ng kangaroo.
Since hindi nakapag-travel abroad ang mag-asawa for Sarah’s recent 36th birthday (July 25), ginawa nila ito in Australia.
Sarah and Matteo will celebrate their 5th anniversary bilang mag-asawa on February20, 2025. Umasa na rin ang couple na sila’y mabibiyaan ng anak.
Looking forward naman ang mga fans ni Sarah na sana’y magbalik ito sa “ASAP Natin `To” every Sunday at muli itong bumalik sa concert scene at paggawa ng pelikula at bagong kanta. Magiging maganda rin sana kung magtatambal sila ni Matteo sa isang back-to-back major concert maging sa isang pelikula.
Ang maganda pa, balik na ang dating samahan ni Sarah with her family laluna sa kanyang nakasamaang loob na si Mommy Divine.
Mother Lily nag-iisa, walang makakatulad
TIYAK na mag-iiba ang landscape ng movie industry sa pagpanaw ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde na sumakabilang-buhay nung madaling araw ng August 4, 2024.
Mother Lily (of Regal Films ) was the only film producer (before the pandemic) na siyang patuloy na sumusugal sa pagpu-produce ng mga pelikula kahit hindi ito kumikita sa takilya
Taong 1997 nang magsimulang mag-decline ang local movie industry na siyang naging mitsa ng pagtigil ng maraming movie producer sa pagpu-produce ng pelikula pero nagpatuloy ang Regal Films ni Mother Lily at dito nauso noon ang mga `pito-pito’ movies or low-budgetfilms. But every once in a while ay patuloy din siya sa pagpu-produce ng mga quality and big-budget movies.
Mother Lily was also a star-builder. Sa Regal nagsimula ang respective careers nina Alma Moreno, Maricel Soriano, Snooky Serna, Wiliam Martinez, Albert Martinez, Dina Bonnevie ,the late Alfie Anido and Miguel Rodriquez, Gabby Concepcion, Richard Gomez, Joey Marquez, Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana, Eric Fructuoso, Manilyn Reynes, Ruffa Gutierrez, Carmina Villarroel, Janice de Belen at napakarami pang iba. Halos lahat (if not all) ng malalaking pangalan sa industriya ay nakagawa ng pelikula sa bakuran ng Regal tulad nina FPJ, Susan Roces, Dolphy, Nora Aunor, Vilma Santos, Chistopher de Leon, Tirso Cruz III, Lito Lapid, Bong Revilla, Rudy Fernandez, Lorna Tolentino, Cesar Montano at iba pa.
Ang mga pelikulang “Scorpio Nights,” “Sister Stella L.,” “Broken Marriage,” “Bilangin ang Bituin sa Langit,” “Relasyon,” “Shake, Rattle & Roll” series, “Mano Po” series and a lot more are just reminders of Mother Lily’s contribution to the industry.
In its over five decades in the movie making industry, Mother Lily’s name will remain as one of the most remembered and well-loved movie producers the industry ever had at magpapatuloy ang kanyang legacy sa tulong ng kanyang mga anak na sina Roselle at Dondon Monteverde (two of her five children) na nagmana ng kanyang passion sa pagpu-produce ng pelikula. Although. Most people say. it won’t be the same as their mother’s ‘style’.
Mother Lily was laid to rest last Saturday, August 10, 2024 at the Heritage Park in Taguig City kung saan din nakahimlay ang kanyang naunang namayapang mister na si Father Remy Monteverde only six days apart.
The entire industry mourned for Mother Lily’s passing, isang kakaiba at nag-iisang personalidad na mukhang wala nang makakatulad in this generation at sa future generation to come.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.