Silip

Angeli, katulong ng ina sa pagbabayad ng utang

January 20, 2022 Vinia Vivar 158 views

Aminado ang Vivamax K-crush na si Angeli Khang na dahil sa sunud-sunod niyang project sa Viva ay nakikilala na siya ng mga tao.

“May mga tao na nakikilala na ako, minsan kahit naggo-grocery lang ako or naglalakad lang,” ani Angeli sa digital mediacon ng bagong pelikula na pinagbibidahan niya, ang Silip sa Apoy.

“At first, talagang kinakabahan ako, nagugulat ako every time. Parang in shock pa rin ako ’pag nakikilala ako ng mga tao,” sey pa niya.

At dahil hindi pa nga siya sanay sa bagong nararanasang atensyon mula sa mga tao, hindi niya alam kung paano magre-react.

Natatakot daw kasi siyang ma-bash kung may magawa o masabi siyang mali.

“Hindi ko alam kung magha-hi ako or hindi. ’Pag nagsalita ako, hindi naman ako kinakausap. Or kapag hindi naman ako nagsalita, sasabihan akong snob,” aniya.

Aminado siyang hindi siya makaarte nang natural dahil nga naku-conscious siya at ito ang gusto niyang maikorek.

“One day, sana masanay ako na kapag nakikilala ako ng mga tao is maging grateful ako and just be myself,” she said.

Thankful ang sexy star na simula nang mag-artista siya ay nakakatulong na siya sa kanyang ina na mabayaran ang kanilang utang.

Sa Silip sa Apoy ay ang magaling na aktor na si Sid Lucero ang kapareha ni Angeli at sobrang honored siya na makatrabaho ito.

Directed by Mac Alejandre, mapapanood na sa Jan. 28 ang Silip sa Apoy sa Vivamax. Kasama rin sa pelikula si Jela Cuenca at Paolo Gumabao.

Ito ay mula sa panulat ng award-winning writer na si Ricky Lee.

AUTHOR PROFILE