Angeli

Angeli, ayaw angkinin ang koronang ‘Vivamax Queen’

January 20, 2023 Vinia Vivar 886 views

Naging maganda ang taong 2022 para sa sexy actress na si Angeli Khang. Sunud-sunod ang pelikulang ginawa niya na pawang kabilang sa mga most viewed movie sa Vivamax kaya naman binansagan siyang Vivamax Queen.

For this year, tuluy-tuloy pa rin ang pagbongga ng career ni Angeli dahil kasisimula pa lang ng taon ay may pelikula na agad siya, ang Bela Luna, na mapapanood sa Vivamax.

Kaya naman sobrang grateful and thankful ng Vivamax siren sa Viva Films na lagi siyang binibigyan ng magagandang proyekto.

As for the Vivamax Queen title, ayon kay Angeli, hindi raw niya ito ipinapasok sa kanyang utak.

“Naku, ayokong isipin or i-claim. Basta ang lagi ko lang iniisip, I just have to do my best in every project they give me.

“Sobrang nagpapasalamat ako sa Viva kasi tuluy-tuloy lang ang movies ko, which is a blessing kasi gusto ko pa mag-grow in every project that I do. Hindi naman ako mahilig sa titles na queen ng kahit ano,” pahayag ni Angeli sa virtual mediacon ng Bela Luna.

Sa nasabing pelikula ay bagong Angeli ang mapapanood sa kanya dahil for the first time ay dual role ang gagampanan niya.

“Yes, I play two different characters. One is Bela and the other one is Luna. It’s a movie with two different stories about two different women who are connected with each other, much more than it seems,” sey ni Angeli.

Mahirap din daw ang dual role pero nag-enjoy daw siya portraying her two characters lalo na raw si Bela.

“Kasi nga, in my past movies, ako ‘yung abused party, but si Bela is a strong woman, very talented, she stands for herself, well-educated, never nag-stammer sa pagsasalita niya,” sabi pa ni Angeli.

Of course, ang isa sa mga ipinagmamalaki rin ng pelikula ay ang winning tandem nina Angeli at Direk Mac Alejandre.

Kung matatandaan, ang nasabing direktor ang nagdirek ng mga successful project ng sexy star sa Vivamax tulad ng mga pelikulang Silip sa Apoy, Selina’s Gold at ang seryeng ‘Wag Mong Agawin ang Akin.

Mapapanood na sa Jan. 27 sa Vivamax ang Bela Luna mula sa panulat ng National Artist na si Ricky Lee.

AUTHOR PROFILE