Angeli at Robb pambato ng unang Vivamax movie sa sinehan
Busugin ang inyong mata sa “Unang Tikim,” ang unang Vivamax movie na ipalalabas sa mga sinehan ngayong Agosto 7. Mula sa direksyon ng cult director na si Roman Perez Jr., ang girl love (GL) movie na ito ay pinagbibidahan nina Angeli Khang at Robb Guinto, kasama si Matt Francisco.
First love nina Yuna (Angeli) at Becca (Robb) ang isa’t isa, at magkasama nilang naranasan ang lahat ng una – unang halik, unang haplos, unang sexual experience.
Mukhang walang makakasira sa kanilang pag-ibig, hanggang sa mapilitang mag-migrate ni Becca sa America para makasama ang pamilya.
Sa dalawa, si Becca ang matuturing na “lipstick lesbian.” Isa rin siyang artist at introvert. Sa pag-ibig, binubuhos niya ang lahat.
Samantala, si Yuna ay bisexual. Mukhang inosente, pero agresibo pagdating sa pakikipagsiping. Maalaga siya sa kanyang minamahal, pero hindi niya kaya ang long distance relationship.
Dito papasok sa eksena si Nicco (Matt). Matagal na niyang gusto si Yuna at naging malapit silang dalawa habang nasa LDR sina Yuna at Becca. Tuluyang mapapasakanya si Yuna nang magpasyang maghiwalay ng dalawang dalaga.
Makalipas ang apat na taon, ikakasal na sina Yuna at Nicco. Isa nang professional photographer sa America si Becca, at nagbalik sa Pilipinas para tuparin ang kanyang dream photo exhibit. May bago na rin siyang lover, si Trisha (Christy Imperial).
Sa pagku-krus ng landas nina Yuna at Becca, ramdam pa rin ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Kung totoo ngang “first love never dies,” tama bang talikuran ni Yuna ang lahat para rito?
May pagkakataon kayong mapanood ang “Unang Tikim” nang libre. Sali na sa “Unang Tikim Dine and Watch Promo.”
Narito ang promo mechanics: 1. Isang cinema ticket ang ipamimigay kapag nakabili ng minimum na P900 sa participating branches ng Wingzone at dalawang cinema tickets para sa minimum na
P2,000 sa participating branches ng Boteyju; 2. Ang promo ay hanggang August 18 o hanggang maubos ang supply; 3. Pwedeng ipagpalit ang movie vouchers sa cinema tickets mula August 7 hanggang 18 o hanggang sa huling araw ng “Unang Tikim” sa mga sinehan; 4. Ang mga voucher ay pwedeng ipapalit sa SM Cinemas; 5. Para lamang ito sa dine-in at take-out transactions; 6. Pwedeng ihalo sa ibang promo at discount; 7. Ang mga branch ng Wingzone at Boteyju ay maaaring mabago sa loob ng promo period.
Namnamin ang sarap ng mga pagkain sa Viva Foods, tulad ng sarap ng pagmamahalan nina Angeli at Robb sa “Unang Tikim” mula sa Vivamax.