Angel

Angel, wanted

November 8, 2022 Vinia Vivar 245 views

Wanted si Angel Locsin ng mga netizen ngayon dahil matagal na nila itong hindi nakikita kahit sa social media.

Dati-rati kasi ay napaka-active ng aktres sa socmed pero lately ay hindi na at bukod pa rito, ginawa na niyang private ang kanyang Instagram account.

Kaya naman sa Instagram account ng asawa niyang si Neil Arce ay panay ang tanong sa kanya ng mga netizen kung nasaan si Angel.

“Missing Angel Locsin,” at “nasaan na po si Angel?” ang mga komento nila.

Sey pa ng isang netizen, #FindingAngel daw ang kanilang hashtag this November.

May nag-isip naman na baka raw hiwalay na sina Angel and Neil pero ipinagtanggol naman sila ng isang netizen.

“Parang ang weird. Di lang nagpo-post hiwalay agad? May reason kung bakit. Sila lang nakakaalam. Right after nila magbakasyon saka tumigil magpost. Maybe she’s preparing for something,” pagtatanggol ng netizen.

AUTHOR PROFILE