Angel

Angel trending sa ABS-CBN Christmas Station ID

December 4, 2024 Vinia Vivar 88 views

Trending ngayong maghapon (Dec. 3) sa X (dating Twitter) si Angel Locsin matapos ilabas ng ABS-CBN ang kanilang bagong Christmas Station ID kagabi, Dec. 2.

Actually, kagabi pa lang ay nag-trending na siya sa nasabing social media platform at hanggang ngayong sinusulat namin ito.

Obviously, sobrang nami-miss ng fans and netizens si Angel na dati-rati ay headliner nga naman sa mga Station ID’s ng ABS-CBN bilang isa siya sa reyna ng network.

Ayon sa fans, isa sa inabangan nila sa bagong Kapamilya Christmas Station ID si Angel at ikinalungkot nila na wala pa rin ang kanilang idolo.

AUTHOR PROFILE