
Angel, nangarap mag-anak ng kambal
Inamin ni Angel Locsin na bago dumating si Neil Arce sa buhay niya ay wala siyang planong magkaroon ng boyfriend.
“Actually, lahat sila nangungulit na kung ano ang plano ko sa future. Along came Neil. Wala akong kaplanu-plano. Na sinabihan ko pa siya na ayoko na magka-boyfriend ever. Siya ang sinabihan ko nu’n,” sey ni Angel sa talk of the town vlog nila ni Neil titled “Lipat Bahay Gang.”
At ngayong kasama na niya si Neil, kahit daw ano pa ang mangyari sa kanila, kahit maghirap pa sila ay okay lang sa kanya as long as kasama niya ito.
“With Neil, marami akong bagay na hindi ako sigurado na mangyayari sa future natin. Pero, kapag kay Neil, okay ako. Kung maghirap kami sa future, magkagulo sa future, kapag si Neil ang kasama ko, masaya ang future ko,” sey pa ng aktres.
At 36, aminado rin si Angel na medyo nape-pressure siya kapag napag-uusapan ang pagkakaroon ng anak.
“Medyo (nakaka-pressure). Kasi, ‘di ba, sabi nila sa age ko. Sabi nila kapag sa babae parang sabi nila may hinahabol na oras. Pero sa akin parang kung ano ang ibigay na biyaya ni Lord, ‘di ba?”
Ayon pa sa aktres, dati ay gusto niya sana ng kambal na anak.
“Noon kasi nahihilig ako sa kambal. Kapag nakakakita ako ng kambal, sobrang cute, ‘di ba? Eh, wala akong lahing kambal.
“Pero nu’ng nakita ko ‘yung mga kaibigan ko na nagka-babies na at kung gaano pala kahirap mag-alaga ng bata, sabi ko ‘ay parang di ko yata kaya mag-alaga nang sabay.’ So, kahit isa na lang,” sey niya.
Ang nasabing Lipat Bahay Gang vlog nina Neil at Angel ay hit na hit sa YouTube ngayon dahil dito nila inanunsyo na kasal na sila via civil ceremony sa Taguig officiated by Mayor Lino Cayetano.
HEART, WISE NA SA PERA
Ngayong hindi na siya bumabata, aminado si Heart Evangelista na nagiging wise na rin siya sa pera niya. Sa kanyang latest vlog ay ibinahagi niya kung paano niya hina-handle ang kanyang finances.
“I just realized that now that I am earning like did you know that while you’re filming or doing a vlog, you could also be earning at the same time?” ani Heart.
Sey ng aktres, na-realize niya na dapat ay maging smart na siya sa kanyang pera dahil hindi naman daw siya forever young.
“I just thought that it would really be ideal for me to be smart about my investments, about my money.
“Because you know, I still work a lot. You cannot imagine. This looks glamorous, but there’s really hard work and lot of thinking that goes into what I do.
“But I am very aware that not everybody is going to forever look at you and watch you. You’re not gonna be young forever, so I need to be smart,” she said.
Kaya lately ay nag-iinvest siya sa properties na natutunan niya noon pa sa kanyang ina.
“So, lately, I’ve been going back to what my mom taught me, and my dad, which is to invest in properties. And I’ve just been continuing that pattern that they taught me and invested in certain condominiums which is very good for rental,” aniya.
Bukod sa mga condo ay nagtayo nga rin daw siya ng resort sa Boracay with her business partners.
“And I’m very, very proud. I mean, it was a big chunk of my savings but I feel really, really good that I did that because it’s forever,” saad pa ni Heart.
Pero siyempre, binibigyan pa rin naman niya ang sarili niya ng allowance o reward para mag-splurge sa mga gusto niyang bilhin.
“I’m 36 and it took me half my lifetime to be able to do what I’m doing and to actually really harvest the seeds that I planted along the way,” sey ng aktres.