Angel

Angel naglabas ng ‘proof of life’… X account na-recover na

January 16, 2025 Vinia Vivar 104 views

Finally ay na-recover na ni Angel Locsin ang kanyang X (dating Twitter) account matapos itong ma-hack earlier this week.

Last Wednesday ay kaagad ngang nag-post ang aktres matapos niyang ma-recover ang account.

“Hello everyone long time no chat. I just wanna say I have recovered my X account (totoo na to, pramis ) Thank you sa mga tumulong and @X for helping. I miss you all and ingat lagi,” ang tweet ni Angel.

Ito rin ang first tweet ng aktres matapos ang two years na pamamahinga sa social media.

Pero marami pa rin ang duda kung si Angel ba talaga ang nag-tweet.

Anang isang netizen, “‘Pag na confirm to ni neil arce tsaka ako maniniwala.”

Sinagot naman ito ng aktres at nag-call out sa mister.

“Mahal ko, paki-confirm,” mensahe ni Angel kay Neil.

Sumagot naman agad si Neil ng “account recovered.”

Bukod dito ay nag-post din ang hubby ni Angel sa kanyang Instagram Story.

“Account of Angel has been retrieved,” post ni Neil sa IGS.

Maging sa kanyang Facebook account ay nagparamdam na rin si Angel. Nagpasalamat siya for reaching 25 million following with matching photo.

Sa larawan ay makikita ang close-up ng face ng aktres habang may hawak siyang paper na may nakalagay na 25M. Hindi lang namin alam kung latest photo ba ito o luma na.

“25 Million Thank you ,” caption ni Angel.

Natuwa naman ang fans na muling makita ang idolo nila kahit sa socmed man lang.

“Kung di pa kayo mahahack, di pa kami makakakita ng proof of life niyo. Haha. Jk. Hope you’re always happy, healthy and safe. Dito lang kami at nag aantay lang sa inyong pagbabalik,” sey ng isang netizen.

MARK KINAAWAAN

Awa ang naramdaman ng veteran entertainment columnist at talent manager na si Lolit Solis sa dating alaga na si Mark Herras nang malaman niyang nagsayaw ang aktor sa isang entertainment bar.

Matatandaan kasing last weekend ay nag-guest si Mark sa Apollo entertainment restobar at ayon nga sa mga nakapanood ay nag-ala-Magic Mike ang aktor at gumiling-giling umano sa stage.

Marami rin ang nagulat sa pagsasayaw ni Mark sa entertainment bar at ang iba naman ay naawa sa aktor.

Isa nga rin si ‘Nay Lolit dito.

“Siyempre naaawa, dahil imadyinin mo ‘yung status niya parang gano’n (pababa),” sey ng talent manager sa isang video online.

Dagdag pa niya, sana ay inisip ni Mark na may career ito na dapat proteksyunan.

“Hindi ko naman inaano ‘yung mga nagpe-perform sa gay bar. Lahat naman may karapatan doon at saka kung minsan trabaho lang naman.

Kaya lang, sana iniisip niya man lang na mayroon siya pinoproteksyunang career, kung may career pa,” she said.

Dagdag pa niya, “Ikaw mismo, tanungin mo sarili mo. Tama ba na at this point, magpe-perform ka na sa ganu’n? ‘Di ba? Parang lowest ano na ‘yun na gagawin mo para sa trabaho.”

Wala pang reaksyon si Mark sa mga sinabi ng dating manager gayundin sa lahat ng nagtatanong at bumabatikos sa ginawa niyang pagsasayaw sa bar.

AUTHOR PROFILE